Chapter 34 - Asar Talo

4K 174 4
                                    

Mga bandang alas dyes ng umaga ng sabadong yon, nakaluto na ng baked zitti, nakaayos na sa loob ng chiller ang ceasar's salad, ipiprito na lang ang courdon bleu at fish fillet. May dalawang kawaling nakasalang sa kalan at pinapainit na mantika.  Umupo si  Maine sa working chair sa kusina. 

Maine:  Hay salamat, magpirprito na lang.  Pagkatapos nito tapos na din tayo.

RJ: Pagod ka na?

Maine:  Medyo, masakit na nga yung kamay at braso ko eh.

Hinawakan ni RJ ang kamay nito at minasahe.  Pumasok si Coleen sa  kusina, may dalang  softdrinks at ice cream.

Coleen:  ehem! ehem! ano yan?

RJ:  Minamasahe ko lang, masakit na daw eh.

Coleen:  Kung bakit kasi pumayag kang magluto,uto-uto ka din dyan kay Tatay eh.  Alam mo naman madaming bisita yun eh di madami kang lulutuin.

Maine:  May kakampi kasi si Nanay at tsaka etong mamang ito sabi minsan lang naman.

Coleen:  Sabagay may point naman siya. Miss ko na din nga ang luto mo eh. Gusto nyo ng softdrinks at ice cream?

Maine:  Please sis, pahingi.

Ipinaglagay naman ng ice cream sa isang mug ang kapatid at kumuha ng malaking baso nilagyan ng yelo at softdrinks at iniabot ito kay Maine.

Kumutsara sa ice cream at isinubo ito.

Maine:  Grabe sis ang sarap malamig.

Coleen:  Ikaw RJ?

RJ:  Hindi na, later na lang, kuha na lang ako ng iced water.

Coleen:  Ako na, ikukuha kita.

RJ:  Thanks sis!

Maine: Kanina,  tinawag mong Nanay ang Nanay ko, tapos ngayon sis naman ang kapatid ko, Ok ka lang?

RJ:  Kung sila nga hindi nagrereklamo eh.  Paki mo ba?!

Maine: Ganon?!

Nilagyan nito ng ice cream sa pisngi si RJ. Eksakto naman na papasok sana sa kusina si Tatay Teddy. Bahagyang nagtago ito at pinanood ang tatlo.

RJ:  Mendoza, tigilan mo! Kung kakainin mo yan, kainin mo. Huwag mong paglaruan.

Coleen:  Ayan kasi, ang kulit mo eh!

Maine:  Ang sungit nito! Pagod ka na no?

RJ:  Hindi ako nagsusungit, sinasabi ko lang yung totoo. Alam mo bang maraming bata ang hindi nakakakain nyang ice cream na pinaglalaruan mo? Nung bata pa ako, kaya lang kami nagkaka-ice cream sa bahay kasi may birthday, o kaya pasko o new year lang. 

Maine: Ok sorry na po.

Inabutan ni Coleen ng tissue si RJ.

Maine:  Ikaw Coleen ha, ikinuha mo na ng tubig at inabutan mo pa ng Tissue. May crush ka dito sa mokong na to no?!

RJ:  Ikaw minsan may sayad ka din! kung sino-sino pinagtitripan mo.

Coleen:  Inabutan nga kita ng coke at ice cream eh di crush din kita?

Tumawa si Coleen at RJ.  

Maine:  Ikaw ha, pinakakaisahan nyo ako ni Coleen.

Sumimangot si Maine.  Inamo naman agad ni RJ.  Natatawa naman si Coleen.

RJ:  Hindi na po, sige bati na tayo.  Pahingi ng  ice cream. 

Maine: Magsubo kang magisa mo! Magluluto na ako!

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon