Chapter 52 - Hurting Each Other

4.5K 174 5
                                    

Samantala nakarating na si RJ sa airport, nagtataka siya na wala kahit isa sa kaibigan niya ang nandon. Dumaan siya sa Office ng Icon, nagcheck ng schedule. Wala ngang mga flights, puro mamayang gabi pa. Nasan kaya ang mga yon? Nakasalubong nya si Capt. Sam.

Capt. Sam: RJ kamusta? Kadarating mo lang?

RJ: Oo eh, ako lang nga may flight ngayon mamaya pa sila Miggy.

Capt. Sam: Ah, eh baka nasa hospital yung mga yon, dumalaw.

RJ: Ospital? Sinong nasa ospital?

Kinabahan si RJ. Nagtataka din siya na walang nagtext o tumawag man lang sa kanya. Naisip niya, si Maine, baka si Maine ang nasa ospital kaya walang nagsabi sa kanya.

Capt. Sam: Si Matt, nasa Paranaque Medical Center. Narinig ko lang na may kausap si Miggy, so hindi ako sure sa kung anong nangyari.

RJ: O sige, salamat Sam. Alis na ako.

Nagngingitngit ang kalooban ni RJ, bakit hindi sinabi sa kanya ni Maine kagabi nung magkausap sila? Kahit si Miggy. Naguguluhan siya at galit dahil walang nagpaalam sa kanya lalo na si Maine. Pinaharurot nito ang sasakyan papuntang Ospital. Pagdating don nagtanong sa nurse station kung anong room ni Matt.

Nakaupo si Maine sa kama at kausap si Matt, umiiyak ito. Nakaupo naman si Julia sa silya sa tabi nito, naluluha din sa pakikinig sa paguusap ni Matt at Maine. Yun ang tagpong inabutan ni RJ, lalong naginit ang ulo nito ng makitang umiiyak si Matt habang kausap si Maine. Dere-deretsong pumasok sa loob ng kwarto palapit sa kama. Hinawakan sa magkabilang braso si Maine.

RJ: Anong ginagawa mo? Ano to? Bakit hindi mo sinabi na nasa ospital si Matt?

Miggy: Bro, kasi ayaw na namin na...

RJ: Isa ka pa! Ano bang problema nyo kahit isa sa inyo walang nagsabi sa akin, nagmukha akong tanga. Bestfriend ko ang nasa ospital hindi ko alam?

Maine: RJ, ako ang nakiusap na wag ng sabihin sa yo kasi...

RJ: Fuckin' shit! Bestfriend ko yan... at bakit umiiyak si Matt ano bang ginawa mo?

Nagulat si Maine, ang dating sa kanya sinisisi siya ni RJ.

Matt: Sinabi nya sa akin lahat-lahat ng itinatago nyo sa akin.

RJ: Putangina Ano?! bakit? Anong karapatan mong makialam? Hindi mo alam ang pinagdaanan ni Matt. Hindi ka dapat makialam dahil wala kang alam.

Lumapit si Miggy para awatin si RJ. Itinulak ito ni RJ.

RJ: Lumayo ka sa akin Miggy baka masapak kita. Ikaw ang inaasahan ko tapos ano?

Miggy: Gago ka pala eh! Makinig ka nga muna.

RJ: Gago nga kasi ginagago nyo ako! Sige, magkampihan kayong dalawa. Bullshit! Lalo ka na... at dinuro nito si Maine.

Don na nagpanting ang tenga ni Maine, lumabas ang galit. Umigkas ang kamay nito at buong lakas na sinampal si RJ.

Maine:  Bullshit ka rin! Kung makapagsalita ka akala mo kung anong sekreto ang itinago sa yo. Bakit Ricardo ikaw, wala ka bang itinatago sa akin ha?!  Akala mo hindi ko alam, na halos dalawang beses isang linggo mong sinasalo ang flight ni Matt? Akala mo hindi ko alam na madalas nagdadahilan ka lang na may lakad ka o may flight ka o may masakit sa yo at uuwi ka na para masalo mo ang flight nya o para sunduin siya kung saan man sya nakahandusay sa kalasingan? Alam ko lahat! Pero wala kang narinig sa akin, dahil pilit kong iniintindi na bestfriend mo sya. Na pamilya mo sya at kailangan nya ang panahon mo. Wala kang narinig kahit ano sa akin.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon