Chapter 36 - Ang Harana

4K 185 2
                                    

Nagsipaguwian na ang mga bisita bandang alas diyes ng gabi. Naiwan na nagkakantahan ang magkakaibigan at mga kapatid ni Maine.

Papa George: Alam nyo nung kabataan namin usong-uso yung naninilbihan at hinaharana ang babae. Bakit hindi mo kantahan si Ciara, Miguel... ng isang kantang nagsasabi ng nilalaman ng puso mo.

Tatay Teddy: Oo nga naman, masarap sa pakiramdam kapag puso na ang umawit. Di ba Mahal kong asawa?

Nicolette: Tay, ang cheesy nyo!

Mama Amy: Oo nga naman Miguel, para malaman nya ang nilalaman ng puso mo hindi yung puro text message ang mga ipinapadala ninyong mga kabataan.

Nagtawanan ang lahat. Tumayo naman si Miggy at pumili ng kanta. Naglagay ng bar chair ang waiter para may maupuan habang kumakanta. Naupo naman si Miggy.

Miggy: Ang title po ng kantang ito ay "Laging Ikaw", para sa yo Ciara...

Lumapit ito kay Ciara at hinawakan ang kamay nito, dinala sa harapan at pinaupo sa bar chair. Nagsimula itong kumanta.

Kinanta ni Miggy ang kanta ng galing sa puso nito habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Ciara. Nagbablush naman si Ciara. Nang matapos ang kanta nagpalakpakan ang lahat.

Miggy: Pahingi ng isa pang mic at bar chair.

Naglagay naman ng isa pang bar chair ang waiter at inabutan ni Nicolas ng isang pang mic si Miggy. May hinanap itong kanta at pinindot sa videoke.

Miggy: Akala nyo nakaligtas na kayo ha, damay-damay na 'to oy! Dei, RJ. napasubo na kami kaya damayan nyo kami dito.

Natatawa namang lumapit si RJ at Maine. Pinaupo ni Miggy si Maine sa isa pang high chair at ibinigay ang isang mic kay RJ.

RJ: Hala Migs, baka umulan pag kumanta ako.

Miggy: okay lang yan may tent naman. Wag ka ng magdahilan dyan ano.

RJ: Pagpasensyahan nyo na po, mahilig po akong kumanta pero yung kanta walang hilig sa akin eh.

Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi nya. At nag-duet ang dalawa.

Miggy:

Araw-araw na lang
Ay naghihintay sa 'yo
Nananabik na mahagkan at mayakap ka
Iniwan mong alaala
Ang s'yang lagi kong kasama
Bakit kapag wala ka
Sadya bang kulang pa

RJ:

Bakit kaya gano'n
Ang s'yang nadarama
Sa bawat sandali hanap ka ng aking mata
Marahil ay ikaw na nga
Sa akin puso ang ligaya
Dahil sa 'yo ako'y wala nang hahanapin pa

RJ at Miggy:

Ikaw ang pag-ibig ko
Ang tawag ng damdamin
Ang mabuhay nang wala ka
Ay hindi sapat
Dahil kailangan ko
Ay laging ikaw
Nasa t'wina'y natatanaw
Sa aking puso'y may tinatangi
Ang nag-iisang ikaw

Nagpalakpakan ang lahat.

Miggy: RJ, kaya mo na yang kasunod ha

RJ: Salbahe ka bro. Naisahan mo ako ah.

Miggy: Ang kanta pong sunod na kakantahin ni RJ ang kinakanta ni RJ noong natotorpe pa siya! Nagtawanan at nagpalakpakan ang lahat

Namula si RJ ng sobra, naiiling na lang ito na napakamot sa batok. Tawa naman ng tawa si Maine. Bumalik na sa lamesa si Miggy at Ciara. Nagsimula ng kumanta si RJ

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon