Chapter 44 - Personal charger

4.8K 183 2
                                    

Tatlong buwan na rin na mag-on si RJ at Maine.  Sa nakaraang tatlong buwan nalaman nila na may mga bagay na magkaiba sila ng gusto tulad ng mga pelikulang pinanood.  Si RJ mahilig sa adventure, action at sci-fi; si Maine naman mahilig sa romance at drama.  Kaya kapag nagmo-movie marathon sila isang adventure at isang romance ang pinanonood nila. At kapag nanonood ng sine salitan sila sa movie. Natutunan nilang magustuhan ang klase ng pelikula na gusto ng isa't isa; Si RJ matipid pero hindi naman kuripot kundi practical lang kung gumastos. Si Maine hindi naman gastador pero pagdating sa pagkain basta sulit sa sarap ok lang sa kanya kung mahal.  Kaya kapag kumakain sila sa labas, kung sino ang nagyaya siya ang taya.  Marami pang maliliit na bagay na magkaiba sila pero para sa kanila walang hindi nadadaan sa maayos na usapan. 

Pero sa nakaraang tatlong buwan may isang taong hindi talaga nila pinaguusapan... si Matthew.  Ang alam ni Maine, ok naman na si RJ at Matt dahil may mga pagkakataong nagte-text si RJ na don siya natulog sa condo ni Matt o kaya naman may lakad sila ni Matt o kaya magpapaalam ito ng maaga dahil magkikita sila ni  Matt.  Kaya madalas kay Miggy siya nakikibalita tungkol dito.  Dumalaw si Miggy kay Ciara ng hapong yon. Paglabas ng Maine ng kwarto naglalaro ng baraha si Miggy at Ciara.

Maine:  Hi Miggy, andyan ka pala. Musta?

Miggy:  Ok naman, ikaw kamusta naman ang inlove.

Maine:  Eh di inlove pa rin.

Ciara:  sobrang inlove kamo.

Maine:  Bakit kayo hindi? 

Nagkatinginan si Miggy at Ciara.

Ciara:  Sis, inlove din kaya nga sinagot ko na sya eh.

Napatalon si Maine sa saya. Niyakap si Ciara at tinapik sa balikat si Miggy.

Maine: Ang saya ko grabe, congrats Miggy!

Miggy: Thanks, ayos ka parang ikaw yung sinagot sa pagkakatalon mo eh.

Maine: Masaya ako para sa inyo. Matutuwa din si RJ kapag nalaman niya.

Ciara:  Eh nasan nga ba yon? Wala naman silang flight ni Miggy eh.

Maine:  As usual may sinalo na flight, alam mo naman yun everytime may kulang na Piloto ready to take over.

Miggy:  Malamang flight ni Matt yung sinalo nya.  Tumatanggi naman yun pero kapag flight ni Matt siguradong sasaluhin non.

Ciara: Ganon?

Maine:  Kamusta na ba yon? May balita ka ba sa kanya Miggy?

Miggy:  Mukha namang ok sya. Wala naman siyang nakwento nung nagkita kita kami last week. Narinig ko din naman na kinamusta ka niya kay RJ. Kapag tinutukso namin si RJ na lalong gumagwapo dahil inlove nakikitukso naman siya, so siguro naman nakamove on na siya sa yo.

Maine:  Mabuti naman kung ganon.

Ciara:  Bakit sis, hindi ba nagkukwento si RJ tungkol kay Matt.

Maine:  Kilala nyo si RJ, hindi yon mahilig na pagkwentuhan ang mga tao. Lalo na ayaw nyang isineshare ang problema niya tungkol sa isang kaibigan.  Bakit daw namin aaksayahin ang oras na pagusapan eh wala naman kaming magagawa.

Miggy:  Mabait at mapagkakatiwalaan talaga si RJ, sya ang nagpauso ng bro-oath.

Ciara:  Ano naman yang bro-oath na yan.

Maine:  Mga sekretong sila lang magkakaibigan ang nakakaalam.  Nabanggit na nya sa akin yan. Kapag nagtatanong ako tungkol kay Matt, James at sa yo Miggy,  lagi niyang sinasabi kung may gusto kang malaman sa kanila mo tanungin because I am under the bro-oath.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon