Chapter 48 - VSB No more (strictly for adults only)

7K 206 11
                                    

Nakahiga si RJ sa  Couch at nakapikit dalawang oras na ang nakakaraan hindi pa rin ito nakakatulog. He is taking mental notes sa nagdaang kwentuhan nila. Member ng VSB, naalala nya ang sinabi ni Maine noon sa kanya.  "Kung matututo dapat sabay sila, they should grow together in the relationship. Sasabayan kita Maine." 

Makalipas ang kalahating oras, naidlip na si RJ. Dahil mababaw pa ang tulog nito naramdaman niya ng bumangon si Maine, naisip nyang pabayaan lang ito.  Nagpunta sa dining table si Maine, kumain. Kinuha ang gatorade na natira nya at lumapit sa couch na kinahihigaan ni RJ. Nakangiti si Maine habang nakatingin sa kasintahan na parang may kung anong naglalaro sa isip nito.

Maine: Grabe, boyfriend ko ba talaga ang lalaking ito? ang gwapo naman. Kapag natutulog parang anghel na bumagsak galing sa langit. You might have done something good in your childhood Mendoza, for you to get this lucky!  (malakas na sabi nito, kinakausap ang sarili)

Natatawa na si RJ kaya kunyari kumilos ito at isinubsob ang mukha sa unan. Nagulat si Maine, sa takot na magising ito napatakbo sa kwarto. Bigla namang nagring ang celphone nya. Nagmamadali nya itong kinuha at tumakbo sa pinto para silipin kung nagising si RJ.  Nang makitang hindi natinag ang binata lumabas ito ng kwarto at naupo sa single couch.

Maine:  ano ka ba naman Cia, anong oras na tumatawag ka pa.

Ciara:  Aba, bakit nakakaistorbo ba ako?

Maine:  Hindi naman nagring yung phone eh tulog na si RJ baka magising.

Ciara:  Eh bat hindi ka pa natutulog?

Maine:  Pinanonood ko siya matulog ang cute eh.

Ciara:  Loka-loka ka talaga. Nga pala cancelled na all flights until further notice.

Maine:  Ok sige, eh kayo anong ganap?

Ciara: Movie marathon, ano pa?!

Maine:  Eh bat parang disappointed ka na movie marathon ginagawa nyo?

Ciara:  Must be the weather girl.

Maine:  Oo nga eh, bed weather, cuddling weather, tapos nganga tayo.  Gusto mo bang may mangyari sa inyo ngayon?  Kissed him on the nape going to his ears, if I remember it right malakas kiliti nya don.

Nagtawanan ang dalawa.

Ciara:  Pano ka nyan?

Maine:  I better get another cold shower girl, looking at his biceps is making it worst. Ang lamig ng aircon pero mainit ang pakiramdam ko.

Ciara:  Gisingin mo kasi, lambingin mo.

Maine: Ayoko nga, ok lang naman sa akin VSB at 23 kapag inabot ito ng 24th bday ko ganito pa din, ipagpatayo nyo kami ng rebulto papasa na kaming santo.

Ciara: Oo nga, o sige na maligo ka na. 

Maine:  O sige, let me know if my tip works, enjoy the night Cia!

Ang hindi alam ni Maine, narinig ni RJ ang lahat ng mga sinabi nya. Lumapit si Maine kay RJ, yumuko ito at hinalikan sa noo ang kasintahan.

Maine:  Goodnight luv!

Gumalaw si RJ, nagkusot ng mata. Hinawakan ang kamay ni Maine.

Maine:  Sorry, nagising pa ata kita.  I was just saying goodnight. Sige na go back to sleep.

RJ:  Bakit nagising ka?

Inayos ni RJ ang pagkakatali ng bathrobe na suot ang pagkakatakip nito sa hita nya. Tumagilid ito para bigyan ng lugar si Maine.

Maine:  Nagutom ako eh, I guess ok na ang tummy ko. Tapos tumawag si Ciara, all flights cancelled daw until further notice.

RJ:  That's good, eh di pwede na tayong magrelax.  Luv, dito ka muna sa tabi ko sige na.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon