Chapter 72 - The Proposal

6.9K 203 2
                                    

Nakalabas na ng hospital si RJ. Pero hindi pa din siya pinayagan ni Daddy Richard na umuwi ng Manila. Nakiusap ito kay Maine na maiwan muna sa kanila si Ram, habang nagpapagaling si RJ at inaasikaso niya ang pagalis nila ni Ram ng sabadong yon. Wala ng nagawa si RJ, hindi na niya mapipigilan pang umalis si Maine dahil kailangan na nitong bumalik para sa dadaluhan nitong Conference sa Europe. Nagusap naman sila na pagkatapos ng Conference ay babalik din ito agad. Magpapaalam lang ng maayos sa Hotel na pinapasukan. Kaya pumayag na din si RJ.

Magaalas sinko ng hapon, nakaupo sa garden set si RJ habang pinanonood si Ram na naglalaro. Lumapit si Daddy inabutan siya ng isang can na beer at tinawag si Ram para uminom ng juice.

Ram: Thank you Lolo!

RJ: Ang aga nito Dad ha, happy hour?

Daddy Richard: Wala eh, naiisip ko pa lang na aalis ang apo ko nalulungkot na ako eh.

RJ: That makes two of us Dad (Bumuntung hininga si RJ)

Daddy Richard: Anong plano mo?

RJ: Magpopropose ako kay Maine. Yung unit ko ibebenta ko, bibili ako ng two bedroom sa Raya. Pagkatapos ng Kasal, pupunta kami ng US para mapaayos ang birth certificate ni Ram, gusto kong ibigay ang apelyidong dapat ay matagal nang ginagamit ng anak ko. Pagbalik namin itutuloy ko ang ground schooling, kukumpletuhin ang flight requirements para maging Commercial Flight Pilot, tapos Senior Commercial Flight Pilot hanggang maging Chief Senior Commercial Pilot. There's no other way to go but up Dad para sa magina ko.

Nagulat si Daddy Richard, hindi nya akalain na ganito na kalayo ang tinatakbo ng utak ng anak pero masaya siya para dito.

Byernes ng hapon nasa Condo si Maine ng tumawag si Ms. Pia kay Maine.

Maine: Hello?

Ms. Pia: Maine, may problema kami eh. Yung flight to Caticlan mamayang gabi kulang ng FA, kanina pa ako tumatawag wala akong reserved na mahanap eh. Can you Sub for us. Cleared naman sa management, nung sinabi kong ikaw pumayag sila. Pwede ba?

Maine: Sure ka po? Ang tagal ko ng hindi nag FA baka pumalpak ako eh.

Ms. Pia: Kahit assist ka lang. Sige na please, alam mo naman na hindi pwedeng lumipad kapag kulang eh. Go get briefing with Ciara, siya naman ang Chief FA nung flight. And Matthew and Miggy are the Pilots so you have all the help you can get.

Maine: Sige po, ok lang.

Pagkaend call...

Maine: Ciaaarraaa!

Ciara: Oh, bakit? Napano ka?

Maine: May flight ako mamaya, ako assistant mo sa 7:10 flight to Caticlan.

Tumili si Ciara.

Maine: Loka ka, hindi ko nga alam kung marunong pa ako, refresh my mind!

Ciara: Anong ginagawa ng FA handbook mo, ayan oh, ikaw ang gumawa niyan di ba impossibleng hind mo matandaan. O sige tell me kung anong naalala mo...

Mga tatlong oras ding nag discuss ang dalawa nang biglang...

Maine: hala Ciara, pano pala uniform ko?

Ciara: Nasan ba yung dati.

Maine: nandyan iniwan ko.

Ciara: Dali sukatin mo para pag kasya pa, labhan na natin.

Kumasya naman, kaya nilabhan na ni Maine at pinatuyo. Kahit kinakabahan excited din naman siya. Namiss na din naman niya ang trabahong ito.

Alas sais ng gabi ng dumating si Ciara at Maine sa airport. Dumeretso sila sa Lounge. Pagpasok nila nandon ang buong tropa

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon