Chapter 32 - Ang paglalahad

4.3K 182 5
                                    

Pagkatapos ng hapunan, nagpumilit si Maine at Ciara na tumulong kay Nanay Mary Ann sa kusina. Lumabas si  Miggy at RJ sa  garahe, binuksan ang magkabilang pinto ng kotse at naupo don.

RJ:  Ok ka na bro? Kampante na ba ang kalooban mo? Masaya ka ba?

Miggy:  Ok na ok bro, salamat ha, kung hindi dahil sa inyo ni Dei baka hanggang ngayon nagtatago at nagaalangan pa din ako. Ngayon, magaan na ang loob ko at totoong masaya ako.

RJ: Mabuti kung ganon, pero bro grabe ka umiyak ha daig mo pa si Alden Richards eh pang award winning!

Sinuntok ni Miggy sa braso si RJ.

Kinuha ni RJ ang sigarilyo sa maliit ng compartment sa harapan ng passengers seat at nanigarilyo ito. Tinignan ito ng kaibigan.

Miggy: Stressed?  May iniisip? O pinoproblema? In love?

RJ:  All of the above bro!

Miggy:  Ay, dadamayan kita dyan! Nagsindi din ito ng sigarilyo.

RJ:  Marami akong tanong na gustong masagot, natatakot naman ako sa mga malalaman ko pa.

Miggy: Maniwala ka sa akin, wala kang dapat ikatakot, wala namang matter of life and death sa mga nangyari ngayon.

RJ: Kahit yung kay Maine kanina don sa inyo?

Miggy: Oo bro wala yon, normal yon. Ano bang naramdaman mo kanina?

RJ: Natakot ako, kung tumagal pa ng 10 minuto na hindi mo sinabing ok na sya. Kahit magalit ka pa bibitbitin ko papuntang hospital si Maine.  Ewan ko ba?

Miggy: Attracted ka ba? Gusto mo ba siya? Mahal mo na ba?

RJ: Sigurado akong attracted ako, bro. Yung nagsasayaw kami sa Bellevue iba pakiramdam non bro! Tumayo balahibo ko sa kilig, nanigas lahat pwedeng manigas sa katawan ko eh. 

Miggy:  Ganon ka grabe ang dating?!

RJ:  Oo eh,  Sigurado din akong gusto ko siya.  Matalino, mabait, malambing, maunawin, matulungin sa kaibigan, maasikaso at mapagmahal sa magulang.  Ano pa ba namang hindi ko magugustuhan sa kanya.

Miggy:  Nakalimutan mo, mataray, matapang, makulit at paminsan-minsan may sapak.

RJ:  hindi ko nakalimutan, dahil yang mga yan ang pinakapaborito kong ugali nya.

Miggy:  Eh, mahal mo ba?

RJ: Miguel, pwede ko na ba syang mahalin? Ok na ba sa yo? Yung totoo lang?

Miggy:  Bro, ano ka ba! Nung una ko palang sinabi sa yo na bagay kayo, pwede na pwede na pero noon hindi ako sigurado sa yo. Eh ikaw ba sigurado kang mahal mo.

RJ: Ikaw na ang mag-analyze bro. Ayoko syang makikitang malungkot, sumasakit ang dibdib ko kapag nakikita ko syang umiiyak dahil sa yo at sa nakaraan nyo. Masaya ako kapag masaya siya. Kapag napapatawa ko siya, pakiramdam ko hari ako ng mundo.  She makes me happy in the simplest thing that she do. She has this subtle way of calming me down. Kapag hindi ko sya kasama, tignan ko lang ang mga picture namin buo na ulit ang araw ko.

Miggy: Nampotah, Faulkerson in love ka nga!

RJ: Eto pa nung tumawag sa akin si James at sinabing may date sila, galit na galit ako sa sarili ko, first time nagpakalasing ako dahil sa babae.  Nung niyaya nya si Matt na magbreakfast pakiramdam ko gumuho ang mundo ko at wala na akong pagasa kaya ganon na lang ang pagkakapisil ko sa basag na baso, suicidal ako ng oras na yon.

Miggy: You hit the rock bigtime bro! Bullesye ka!  Mahal mo nga!

RJ: Pero after ng breakfast nila Matt sabi nya, ayaw daw magpaligaw ni Maine. Kaya eto nagpapakasaya na lang ako sa mga lakad na kasama sya. Tyaka nung nasa Tagaytay tayo pakiramdam ko basted na ako eh.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon