Chapter 40 - Lost

3.9K 169 6
                                    

Excited si Maine at Ciara nang araw na yon.  Kumakanta ang dalawa habang nagaayos ng buhok. Naka blue na sleeveless  dress si Ciara at naka white na off shoulder dress naman si Maine. Nagplantsa pa sila ng buhok. Nagaayos na lang ng bag niya si Maine ng tumunog ang doorbell. Binuksan ang pinto. 

Miggy:  Hi Ciara!

Ciara:  hi there!  Tuloy kayo, palabas na yun si Maine.  

Matt:  Hi Ciara! 

Ciara:  Oy Matt! Mabuti naman nakasama ka na ngayon.

Matt: Oo nga eh, miss ko na kayo eh.  Kaya eto pinilit ko talagang pumunta.

Lumabas ng kwarto si Maine.

Maine:  Good morning Miggy! Hi, RJ!  Wait kukunin ko lang yung gift natin.

Matt: Hi Maine!

Nilingon nito si Matt.

Maine: Hi, sorry akala ko si R, sila kasi laging magkasama ni Miggy eh.  Asan si RJ?

Matt:  Umuwi kahapon sa Laguna, baka daw tanghaliin sya kaya pinasama nanya ako para sunduin kayo.  Susunod na lang daw siya doon.  Hindi ba siya nagtext sa yo?

Nagkatinginan si Maine at Ciara.

Maine:  Hindi eh.  Di bale ok lang baka nakalimutan lang.  Wait ha, kunin ko lang yung mga gift.

Paglabas ni Maine ng kwarto bitbit na nito ang mga regalo.  Lumapit si Matt. 

Matt:  Tulungan na kita, ako na ang magdadala.

Pagdating sa simbahan, nagsisimula na ang binyag kaya wala ng oras para magkwentuhan. Sinenyasan nya si Capt. Frank, itinatanong si RJ, nagkibit balikat lang si Capt. Frank.  Tinext ni Maine si RJ ng makailang ulit pero walang reply.  Panay ang lingon ni Maine sa  pinto nga simbahan pero walang RJ na dumating.

Matt:  Ok ka lang? Hindi ka mapakali eh.

Maine:  Si RJ hindi sumasagot sa text eh.  Hindi naman yun nalelate ng ganito.

Matt:  Huwag kang magalala mamaya tatawagan natin.

Pagdating sa reception, sinubukan ni Miggy na tawagan ito.  

Miggy:  Nakaoff ang phone eh.

Matt:  Baka  nakatulog at late ng magising kaya hindi na nagpunta.

Ciara:  Baka tulog pa hanggang ngayon, nadrain na battery kaya naka-off.

Matt:  Huwag ka ng magalala, ok lang yun si RJ. yun pa, baka nga nasa resto lang yon eh.

Frank:  Oh bat nandyan kayo? Maupo na kayo at magse-serve na ng pagkain.

Natapos na ang binyagan, nasa sasakyan na sila pauwi, wala pa rin silang balita kay RJ.

Nakinig na lang ng music si Maine.  Nagpark sa basement si Miggy, pagbaba nila ng sasakyan.

Matt: Miggy, Ciara pwedeng mauna na kayo sa taas. Kausapin ko lang sandali si Maine

Miggy:  Maine, ok lang?

Maine: Oo sige, susunod na lang kami.

Sumakay na ng elevator si Miggy at Maine. Hinawakan ni Matt ang dalawang kamay ni Maine.  Tinignan ito ni Maine.

Maine: Matt bakit?

Matt:  Maine, alam kong sinabi mo sa akin na hindi ka nagpapaligaw. Pero, sana bigyan mo ako ng chance na ipakita ko sa yo kung gaano ka kahalaga sa akin.  Hindi ko naman hinihingi na mahalin mo ako. Sana bigyan mo lang ako ng pagkakataong mahalin ka.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon