Chapter 42 - Confession

4.6K 201 11
                                    

Halos isang oras na nilang kino-contact si Ciara pero hindi parin ito sumasagot.

Capt. Frank: Sige, magbihis na kayong dalawa, abangan natin kung anong sasabihin ni Ciara. Magbihis kayo para kung ano't ano man, makakaalis tayo agad.

Sumunod naman si RJ at Matt, nagpunta sa kanya-kanyang kuwarto ang mga ito at nagbihis. Naiwang naglilinis ng basag na bote si James at naguusap si Capt. Frank at Miggy.

Capt. Frank: Honestly, I never realized na ganon na pala kalaki ang sakripisyo ni RJ para kay Matt. Eversince, akala ko talaga he's as responsible as RJ is.

Miggy: Ako Sir, matagal ko ng alam kahit hindi nagkukwento si RJ. Yung tungkol sa babae, si Gianne yun naalala mo yung mestisang taga Cebu. Pati yung iniuuwi ni RJ si Matt kapag lasing kasi ilang beses na akong tinawagan ni RJ para samahan siya. Sa totoo lang, napaaway pa yan si Matt pero iniharang ni RJ ang sarili nya kaya siya ang nabugbog. Mabuti nga may dumating na pulis kung hindi nasaksak pa si RJ eh.

James: Ang problema kay Matt, sarili lang nya nakikita niya. Hindi niya nakikita or hindi niya talaga iniintindi ang nararamdaman ni RJ. Kung nasasaktan ba ito, napapahiya o napapagod. Kaya ayan ni hindi nya napansin na inlove si RJ kay Maine.

Capt. Frank: So, alam nyo na mahal ni RJ si Maine?

Miggy: Opo Sir! In love sila sa isa't isa pero dahil hindi ready si Maine. Hindi nililigawan ni RJ, pero nakakapagpalipad hangin na ito kahit papano

Capt. Frank: Kaylan pa?

Miggy: Nung birthday po ni Matt.

Capt. Frank: Sabi ko na nung kumanta si RJ, yun na yon eh.

Nag-ring ang celphone ni Miggy. Tumatakbong lumabas si RJ.

Miggy: Si Ciara, kausapin ka daw.

RJ: Cia, nandyan na ba siya?

Ciara: Oo nandito na, natutulog na.

RJ: Mabuti nakauwi siya ng maayos.

Ciara: Hindi, sinundo ko siya, nagtext siya sa akin, ang sabi nasa basement parking daw siya ng condo mo at hindi na daw niya kayang umuwi. Pagdating ko don, nandon yung Gwardiya, nakita kasi siya magraradyo na sana para humingi ng tulong pero dumating na ako. Hinimatay siguro kasi walang tulog.

RJ: Pwede kaming pumunta ni Miggy?

Ciara: Pero huwag na nating gisingin ha.

RJ: Oo gusto ko lang syang makita.

Ibinalik ni RJ ang phone kay Miggy.

Capt. Frank: James, maiwan ka na dito. Siguraduhin mo lang na nakatulog na si Matt. Tapos umuwi ka na at magpahinga na din.

James: Ok po.

Lumapit ito kay RJ, tinapik ito sa balikat.

James: Maayos din yan. Wag kang magalala.

RJ:  Sana nga bro, salamat!

Miggy: Sige, James salamat. Text text na lang.

Pinagbuksan sila ni Ciara ng pinto.  Dumeretso si RJ sa kwarto ni Maine.  Naupo naman sa sala si Capt. Frank, Miggy at Ciara.

Nakita ni RJ natulog na tulog na ito. Hinaplos ni RJ ang pisngi nito ang buhok. Pinagmasdan nya ang mukha nito na akala nya hindi na niya makikita pang muli. Hinawi niya ang buhok na nakalaylay sa mukha at inilagay sa likod ng tenga. Hinaplos nyang muli ang pisngi nito at hinalikan. Bumulong saya sa dalaga, "Mahal na mahal kita Maine, huwag mo akong iiwan."  Kinumutan niya ito at lumabas na ng kwarto.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon