Chapter 46 - Shower (slightly for ADULTS ONLY)

5.4K 196 7
                                    

Bandang alas singko ng hapon gumagayak ng aalis si RJ at Maine pabalik ng Maynila.

RJ: Dad, pasensya na kayo hindi kami pwedeng magstay dito may flight ako ng 4:10 ng umaga eh.

Daddy Richard: Naiintidihan ko anak, mabuti nga at kahit papano ay nadalaw kayo. O sige na bago pa kayo abutin ng malakas na ulan. May padating daw na bagyo eh.

Lumapit si RJ sa ama at yumakap ito, ganon din si Maine at nagmano pa.

Maine: Tito, tutuloy na po kami. Dadalaw na lang po kami ulit kapag may pagkakataon. Salamat po!

Daddy Richard: O sige Hija! Magiingat kayo.

Sumakay na sila sa kotse at bumiyahe na pabalik ng Maynila. Makalipas ang trenta minutos nagsimulang bumagsak ang malakas na ulan at pagpasok nila ng SLEX bumagal ang usad ng mga sasakyan. Nasa kalagitnaan sila ng trapik sa SLEX ng biglang...

Maine: Nasusuka ata ako Luv, may candy ka?

RJ: Meron dyan sa compartment sa harap mo.

Kumuha si Maine ng Candy, pagkasubo nito, sumandal at ipinikit ang mata.

RJ: Nasobrahan ka yata sa kain Luv eh.

Maine: Hindi naman madami yung kinain ko eh.

Makalipas ang 15 minutes hindi na napigilan ni Maine ang masuka. Nakahinto ang sasakyan dahil sa trapik kayat binuksan nito ang pinto at inilabas ang kalahati ng katawan kahit na bumubuhos ang ulan at sumuka. Walang nagawa si RJ kundi ang himasin ang likod nito.

Maine: Luv, ano bang meron yung paella, yun ata hindi ko matunaw eh

RJ: Seafood paella yun, so may tahong, baka yun, baka hindi maganda yung tahong na nabili ni Manang.

Magtatatlong oras na sila sa byahe ng makarating sila sa Alabang at medyo lumuwag ang daloy ng mga sasakyan. Tatlong oras na ding bumubuhos ang malakas na ulan at lumalakas na ang hangin. At tatlong beses na ding sumuka si Maine. Kaya basang-basa na din ang kalahati ng katawan nito. Inilipat ni RJ ang radyo sa news station. Ang sabi sa balita dumating na ang bagyong Rigor, matrapik na sa halos lahat ng lugar sa maynila ang kahabaan ng SLEX patungong Makati at Maynila ay usad pagong na simula sa paglagpas ng toll gate sa Nichols. Napailing na lang si RJ.

RJ: Luv anong pakiramdam mo?

Maine: Mas ok na at parang naisuka ko na lahat, kaya lang nanlalambot na ako.

RJ: Medyo maluwag naman na trapik Luv eh, mageexit na tayo ng Sucat at nasa Paranaque na tayo.

Pag exit ng tollgate ng Sucat, kumaliwa si RJ nagulat sya na sa mismong side ng street going to Paranaque may mga sasakyan na umikot na and it looks like a terrible traffic.

RJ: Shit!

Maine: Oh bakit?

RJ: Mukhang may problema din dito eh tignan mo umiikot yung mga sasakyan. Teka ipark ko muna dito sa malapit sa trapik aid, magtatanong lang ako.

Paghinto sa gilid ng kalsada. Bumaba si RJ at sinugod ang ulan kinausap nito yung Traffic Enforcer na nagpapaliko sa mga sasakyan. Ilang sandali pa ay bumalik na ito at sumakay sa kotse ng basangbasa.

RJ: Luv, hindi daw nakakadaan ang mga kotse, limang oras na daw umuulan dito at hanggang dibdib na tubig sa Fourth Estate. Kaya ang dami ng na-stranded at yung mga kotse umiikot na.

Maine: Anong gagawin natin? Hindi naman tayo pwedeng pumasok ulit ng SLEX di ba sabi sa news kanina trapik na daw.

RJ: Wala naman tayong ibang pwedeng daanan Luv eh kundi dito sa paranaque or SLEX to Manila but both would mean getting stuck.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon