Chapter 65 - Ang pagsuko

5.1K 172 2
                                    

Ilang araw ng pinagiisipan ni RJ ang nangyari ng dumalaw sila kay Nanay Mary Ann. Pinagtatagpi tagpi nya ang kung anong alam niya. Piloto ang ama ni Ram, maglilimang taon ito, ibig sabihin nandito pa si Maine ng mangyari ang lahat at buntis ito bago pa umalis ng bansa. Noon pa man niloloko na ako ni Maine? May ibang lalaki ba ito? Lalo lang nagngitngit sa galit si RJ. O ako ang ama ni Ram.  Kung ako nga bakit hindi niya sinabi sa akin na buntis sya?  

Tumawag si RJ kay Ciara. Inalam niya kung nasaan ito, nagkataon namang  magkikita talaga sila nila Maine nung araw na yon. Nasa Condo sila Ciara at ang buong tropa pwera kay Frank at Pia. Hinihintay nila si Maine. Naunang dumating si RJ, pumasok ito at naiwang bahagyang nakabukas ang pinto. Umupo ito sa Couch.

RJ:  Guys naguguluhan na talaga ako eh. Paki confirm kung tama ang nasa isip ko. 

Ciara:  Sige, ano ba yon?

RJ:  Maglilimang taon na si Ram, so tama ba na bago umalis si Maine, buntis na ito? So, ginamit nya na opportunity yung pagkadestino nya para maitago ang pagbubuntis niya.

Patricia: Pwede kasi hindi pa naman kayo kasal eh.  Pero obvious namang may nangyari na sa inyong dalawa eh.

Miggy:  At piloto daw ang ama ng anak ni Maine.

Tumingin si RJ kay Miggy.

Miggy:  Gago ka RJ! wag kang magbiro ng ganyan. Alam mong matagal na kaming tapos ni Maine. Bago pa naging kayo.

Ciara: Bakit mo tinitignan si Miggy, palagay mo niloko ka ni Maine. Ayusin mo nga yang utak mo Tisoy!

Pauleen:  Oo nga sa sobrang galit mo na hindi ka na niya sinulatan o tinawagan at feeling mo basta ka na lang nya kinalimutan kung ano-anong naiisip mo.

RJ: Bakit imposible ba? Hindi naman kami palaging magkasama.

Nagalit si Matt.

Matthew:  Siraulo ka pala eh! Kilala mo si Maine. Off all people ikaw ang nakakaalam kung anong klaseng babae siya. Tapos magiisip ka ng ganyan? Ano bang demonyo ang pumasok sa utak mo? 

James: RJ, wag namang ganyan. Wag kang magisip ng ganyan, hindi kayang gawin ni Maine sa yo yon.

RJ:  Kung anak ko yon bakit kailangan nyang itago sa akin? Bakit hindi na lang sya sinabi? Kilala din nya ako at alam nya kung gaano ko siya kamahal at hindi kayang takbuhan ang responsibilidad ko sa kanya?

Julia:  Hindi din namin alam pero pihadong may malalim na dahilan. Hindi ka kayang lokohin ni Maine RJ.

RJ:  Wala akong ibang maisip na dahilan para itago niya sa akin ang pagbubuntis niya kung hindi dahil hindi ko anak ang dinadala niya.

Biglang bumukas ang pinto... 

Maine: anong sinabi mo? Ulitin  mo ang sinabi mo! Gusto kong marinig kung tama ang narinig ko!

RJ:  Kung ano ang narinig mo yun ang sinabi ko.

Maine: Kaya kong tanggapin na sabihin mong kaya hindi na kita sinulatan, tinawagan ay dahil may ibang lalake ako pero yung pag bintangan mo ako na niloko kita nung nandidito pa ako, hindi ko kayang tanggapin yon. Ganon bang klaseng babae ako RJ ha?  Pagisipan mo ngang mabuti yang pinagsasabi mo oh baka nakakalimutan mo na nakuha mo ang pagkababae ko ng buong buo at ibinigay ko sa yo ang buong pagkatao ko!

Umalis na ito... sumunod ang mga babae kay Maine. Bago lumabas si Ciara...

Ciara:  Kung ganyan ka mas mabuti na nga na hindi na lang ikaw ang ama ni Ram.

Naiwan si RJ at ang mga kaibigan nito na tahimik.

Matt:  RJ, ano bang sinasabi mo, si Maine ang pinaguusapan dito, hindi basta kung sinong babae lang. Si Maine na minahal mo at nagmahal sa yo ng sobra sobra.  Totoo ba sa loob mo ang sinasabi mo?

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon