Chapter 49 - Mock Wedding

5.8K 179 5
                                    

Lumipas ang mga araw at  linggo.  Naging masaya ang relasyon ni RJ at Maine. Makailang ulit na ring may nangyari sa kanila.  Minsan sa condo ni Maine ng nagkataong may flight si  Ciara;  Nakatuwaan na din nilang minsang magpunta sa Motel para maexperience ito;  Nagovernight swimming sila nila Ciara at Miggy sa isang private pool; at sa mismong kwarto ni RJ sa bahay nila sa laguna nung minsang umuwi sila doon.  Pero kahit ganon maingat ang dalawa.  Parang walang katapusan ang kaligayahan ng dalawa.

Pati si Matthew ay masaya na para sa kanila. Hindi pa din nagbabago si Matthew pero kahit papano nabawasan na ang pagpapasalo nito at nabawasan din ang paginom dahil kay Julia. Lagi nitong niyaya si Matthew sa mga gig ng mga kaibigan niya pero hindi nakakainom si Matt dahil alam niyang ihahatid nya si Julia pauwi.

Unang valentines sana nila pero pareho silang may flight  kaya isinabay na lang nila sa 7th mothsary nila na February 16 ang pag cecelebrate nito.  Nagpatulong si RJ sa mga kaibigan para sa isang  mock wedding.   Naunang pumunta si RJ sa Restaurant niya. Kasama nya si Miggy , Matt at Capt. Frank.   Doon mismo sa viewdeck ng restaurant niya gagawin ang seremonya.   Si Capt. Frank ang Master of Ceremony.

Ang alam ni Maine, magcecelebrate sila ni RJ at magphoto shoot sila ng Wedding Pictures para sa Restaurant ni RJ dahil gagamitin ito para sa article na magfea-feature sa restaurant.  At doon na sila mag cecelebrate. Kaya fully made up na silang lahat at nakabihis na. Pare-parehong naka yellow na spaghetti strap cocktail dress  sila Ms. Pia, Ciara, Patricia, Pauleen at Julia.  At siya naka off shoulder balloon skirt wedding dress. Nagtatawanan pa sila kasi si Pauleen daw ang flower girl kaya basket na may flower petals ang bitbit niya, may bitbit namang maliliit na bouquet ng white and yellow carnation si Ms. Pia at  Ciara, naka wrist corsage si Julia at Patricia.  

Nung magpark sila tinawagan ni James Si Miggy at sinabing dumating na sila.  Pagpasok nila, hindi naman nagulat si Maine na makitang nakaayos ang lugar kasi nga may photo shoot.   Iniwan sila ni Ms. Pia bago bumaba ng hagdan papasok ng restaurant.   Pagbalik ni Ms. Pia sabi nito ivivideo daw na parang wedding kasi gagawing commercial para sa restaurant, kaya pakinggan daw namin kapag tinawag na kami. Nagsimulang tumugtog and wedding March. Ipinakilala si  RJ bilang Groom. Tapos si Pauleen bilang Flower Girl nagtawanan  ng magsaboy ito ng flower petals.  Tapos si James at Patricia bilang  Veil Sponsor; Matt at Julia bilang Cord Sponsor;  Ms. Pia at Capt. Frank bilang Principal Sponsor. Naubos na ang mga tao sa harap ni Maine, magkatabi sila ni Ciara.  Humarap si Ciara kay Maine. Iniabot ang bouquet ng yellow carnation at white tulips sa kanya. Ikinabit nito ang belo sa buhok niya at niyakap sya nito. Tumunog ang cellphone ni Maine.

BFF RJ:  Happy Valentines, Happy 7th Monthsary,  Welcome to our mock wedding ceremony. I love you.

Gulat na gulat si Maine, napatingin  lang kay RJ na nakatayo sa dulo ng aisle na yon.  Naiiyak siya, hindi nya alam ang gagawin. Nang biglang lumapit sa kanya si Daddy Richard.

Daddy Richard:  Please give me the honor of walking you to aisle anak, dahil sa susunod kasama na akong magaabang sa harapan.

Maine: Opo naman (niyakap niya si Daddy Richard)

Narinig niya ang tinig ng kapatid ni RJ na si Riza. 

Riza:  Please welcome  the beautiful bride, Ms. Nicomaine Dei Kapili Mendoza.

Kumapit siya sa braso ni Daddy Richard at ng marinig niya ang boses ni Miggy na kumakanta ng "Ngiti" nagsimula siyang maglakad.  Nang makarating na sila sa harap nagmano si RJ at yumakap sa Daddy niya at nagpasalamat.

Lumapit si RJ sa tabi ni Maine.

Maine: ano to? Practice makes perfect?  Nagtawanan ang lahat.  Pumadyak si Maine at hinampas si RJ.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon