PAALALA:
Walang perpekto sa mundo, kaya kung may mabasa kang typo error or what.so.ever, pinangungunahan ko na, PASENSYA/SORRY/PATAWAD.
Ang lahat ng pangalan ng lugar, tao, pangyayari na ginamit sa kuwentong ito ay pawang kathang isip lamang, likha ito ng isang manunulat na nais lamang magbahagi ng lahat ng tumatakbo sa isip niya. MARAMING MARAMING SALAMAT PO.
Pictures are not mine, CTTO
~M
THIS.IS.MY.OWN.STORY
~~~
My name is Ziah Alfonso-Costavo. 29 years old. The daughter and the heir of Renato De dios Costavo III and Constancia Alfonso Costavo. Pag mamay-ari namin ang isa sa mga sikat na TV Network dito sa bansa, marami din kaming natutulungan dahil sa pagbibigay namin ng mga trabaho sa mga tao.
Sa pagmamana ng lahat ng yaman at ari-arian ng mga Costavo, ako na din ang tumayong magulang ng kapatid kong si Shine Alfonso-Costavo. Isa sa tinuturing kong espesyal na tao si Shine dahil hindi siya katulad ng karamihan, habang lumalaki siya doon namin napag-alamang may ID si Shine o tinatawag na Intellectual Disability kung saan mananatili siyang bata ang pag-iisip habang nagmamatured na ang pangangatawan niya.
Hindi lang pagiging matagumpay ang kailangan kong panghawakan kundi ang maging mabuting tao at kapatid din. Buong buhay ko pinoprotekhan ko siya sa mga mata ng taong mapanghusga at mga bibig na walang kinikilala. Namatay ang mga magulang namin dahil sa isang aksidenteng naniniwala akong pinagplanuhan ng mabuti. Hanggang ngayon inaalam ko pa din kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ng magulang ko kaya naman nawalan na ako ng tiwala sa mga taong nakakasalamuha ko. Kay Shine na lang ako kumukuha ng lakas para mabuhay.
Sa mata ng nakakarami isa akong nakakatakot at hindi alam ang salitang masaya pero ang hindi nila alam kailangan kong baguhin ang sarili ko para hindi ako maging kasangkapan ng ibang tao. Hindi ako marunong magpatalo lalo na pag alam kong pagkatao ko ang naapakan. Pero hindi rin naman ako basta-basta pumapatol kahit kanino.
Habang nakatayo sa harap ng building ng Z.A.C Network seryoso kong pinagmamasdan ang mga empleyado kong hindi mapakali kung saan susuot dahil alam nilang papasok na ako. May biglang nadadapa dahil sa pagmamadali, may napapahinto sa pag-inom ng kape at biglang may nakakatulog sa mesa kahit nagbabasa lang naman ng dyaryo kanina.
Pinagbuksan ako ng pintuan ni Brett ang driver/body guard ko kasunod ko naman ang personal assistant ko na si Sue na dala-dala ang bag at coffee ko. Ang maingay na lobby kanina ay naging tahimik na lugar na lamang. Mas gusto ko yon.
"Sue? What is my schedule for this day?" Tanong ko kay Sue habang tumitingin sa paligid-ligid.
"Madam Z, mayroon po kayong 9AM meeting sa board room para sa renewal of contract ni Georgina Smith at----" Pinahinto ko siya sa pagsasalita niya dahil napansin kong dire-diretso siya sa pagsasalita.
"May lakad ka ba?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya agad niya namang kinagat ang labi niya at nagdahan-dahan sa pagsasalita.
"11:30 AM mam, ribbon cutting for the opening of new restaurant of Kusinan ni Gerry, 6PM naman po.. Premiere night ng movie nila James Reader and Nadine Illustrado.."
Tumungo naman ako at kinuha ko ang coffee ko sa kanya. Pagdating namin sa elevator hindi sana sasabay sa pag-akyat sina Brett at Sue dahil sa nahihiya silang kasabay ako pero lagi ko namang sinasabi na nakakapagod ang gumamit ng stairs kaya okay lang na sumabay sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)
ChickLitWritten by: @mikimiloves01 A NEW LOVE STORY OF RENT A GENTLEMAN. © 2016 MIKI VILLAROSA ALL RIGHTS RESERVED. Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.