Chapter 24

6.8K 124 16
                                    

Dumiretso kami ni Austin sa opisina kung saan napansin ko na rin naman na matagal ng may mga paparazzi na sumusunod sa akin noong una ko pa lang dating sa Pilipinas. Hawak hawak ni Austin ang aking kamay habang papasok ng ZAC Building. Lahat ng mga empleyado doon ay napahinto at napatingin sa aming dalawa.

Sinalubong naman kami ni Sue sa lobby. Kahit isa na sa mga directors si Sue ayaw pa rin niyang bitawan ang pagiging assistant ko dahil ayaw niya akong pabayaan mag-isa. Masaya itong nakatingin sa amin at nagpasalamat naman si Austin dahil sa pagtulong nito.

"Wala naman akong naitulong, nadulas pa nga ako eh. Anyway, Madam President may nakarating pong balita sa akin na nandito na sa Pinas si Atty. Delgado." Napahinto ako ng marinig ko ang pangalan ng taong kinasusuklaman ko. Kaya naisip kong mas lalo pa dapat kaming maghanda sa posibilidad na mangyari sa mga darating na araw. Dumiretso kami sa opisina ko at umupo na muna kami saglit ni Austin pero wala naman siyang ginawa kung hindi ang tumitig sa akin. 

"Nga pala, saan ka ngayon nakatira? If you wanted to stay at my house you can stay there?" tanong ko sa kanya habang nakatitig ito. 

Tumungo siya at ngumiti. 

"Sure, para mas mabantayan kita ng maayos. I think I should get my things in my place right now para sabay na tayong umuwi mamaya." Naging masaya naman ako ng malaman kong umokay siya sa nais kong mangyari. Tumayo ako at kumuha ng maiinom at binigay ko sa kanya. Kinuha niya naman ito at ininom. Hinawakan ko ang adams apple niya dahil isa ito sa mga paborito ko. Napatingin naman siya sa akin at natawa. 

"Sige na, I'll go ahead. Huwag kang uuwi ng wala ako, okay?" hinalikan niya ang noo ko bago siya umalis. Sa pagsara ko ng pintuan hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko dahil kasama ko na si Austin. 

Tatlumpong minuto ang nakakalipas naalala kong mayroon akong kailangang bisitahin na news program dahil ang sabi ng nakakarami ay nagiging bias daw ito sa pagbabalita. Hindi ako pwedeng magsawalang kibo kung totoo man ito o hindi. Kahit na alam kong may directors na dapat pumuna sa mga ginagawa ng mga tao ay kailangan pa rin nila ng alalay ko. 

Dahan-dahan akong nagpunta doon, nagulat ang iba dahil sa surprise visit ko. Pero pinayuhan ko silang huwag mag-ingay na nandoon ako at nanunuod. Napansin ko nga na may pinapanigan ang isang news anchor habang nagbabalita ito, hindi niya rin sinusunod ang nakalagay sa teleprompter pero pinabayaan ko lang siya hanggang sa matapos ito. 

"See? Wala naman mawawala sa atin kung magsinungaling tayo e," nang makita ako ng mga crew na nakatayo dahan-dahan silang pumunta sa gilid. Bumati sila sa akin at nanahimik sa tabi. Pumunta ako sa loob habang nakatingin sa kanya sa sobrang busy niya hindi niya napansing na sa harapan niya na ako at na sa gilid na ang mga crew. 

"So totoo nga ang balita na sa ZAC mismo nagsisimula ang maling pagbabalita?" tanong ko sa kanya habang busy siya sa pakikipagdaldalan. Napahinto siya ng marinig niya ako at dahan-dahang tumingin sa akin. 

"Ma.. Madam President.." nauutal niyang bigkas ng nick name ko.

"Do I look very nice? Nagiging maluwag ba ako sa inyo?" nakataas ang kilay ko at nakangiti habang tinatanong siya. 

"So.. Sorry po, Madam President.." nauutal niya pa ring sagot. Tumungo naman ako at alam kong magsisilbing aral naman na sa kanya ang pagpunta ko ng personal sa news room.

"They know me as an honest person. I am looking forward na lahat ng empleyado ko ay maging ganoon din. The people of this country, deserve the truth from whatever issues are going on right now. Huwag tayong gumaya sa iba na bayad ang bawat salita.," paliwanag ko sa kanya. Lahat naman ng crew doon ay nakikinig ng masinsinan kaya naman maayos n ang aking pakiramdam na hindi na ito mauulit.

BREAKING NEWS....

May -ari ng ZAC Network na si Ziah Afonso-Costavo ay nakita kanina na kasama ang dating fiancé na si Austin Reyes na ngayon ay asawa ng anak ng may-ari ng Moonlight Network. Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng issue'ng ito. Nakikiapid nga ba ang sikat at makapangyarihang si Ziah?

Pinatay naman ng isang crew ang monitor habang lahat kami ay nakatutok dito. Napatingin ang lahat sa akin at bakas sa kanilang mga mata ang panghuhusga.

"Madam!" humihingal na sigaw ni Sue. Kinuha niya ang kamay ko at tumakbo papalabas ng news room. Bumitaw ako at huminto sa pagkakatakbo.

"What, Sue?" tanong ko sa kanya.

"Napanood mo 'yong balita?!" humihingal niyang tanong sa akin. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa pagkakatakbo.

"Yes, why?"

"Usap-usapan ka na naman ngayon! I can explain for Austin!"

"No, I'll wait for him to explain. Don't worry, I trust him. Sa susunod, huwag mo akong basta-basta hinihila. Baka isipin nila na guilty ako sa bagay na 'yon," naiinis kong sagot kay Sue. Nagsimula akong maglakad papunta sa elevator para bumalik sa opisina pero bigla na lamang akong sinadyang banggain ng isang babae na maputi at maikli ang buhok. 

"Sorry," tumingin lang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. What the hell is her problem?! Pagkasakay ko ng elevator ay nakatingin pa rin sa akin ang babaeng 'yon na tila may naglalaro sa isip niya. 

Hindi tumatahimik ang pagvavibrate ng cellphone ni Sue at ganoon din ang phone ko dahil sa mga text at tawag ng mga reporters sa amin. Bigla naman akong napaisip ulit sa babaeng bumangga sa akin kanina kaya di ko namalayang kinakausap na pala ako ni Sue. 

"Madam?" bumalik lang ako sa ulirat ng tawagin ako ni Sue. 

"Yes?" 

"Magpapainterview ka ba?" tanong ni Sue. 

"Para?" nagtataka kong tanong sa kanya. 

"To clear your name," sagot niya. Pero may iba akong naisip na ipagawa kay Sue at kinalimutan ang suggestion niya tungkol sa pagpapainterview. 

"I have things in my mind na gagawin mo para sa akin, Sue." Kita naman ang pagtataka ni Sue sa mga sinabi ko. Binuksan ko ang computer ko at nagsulat ng kaunti sa isang papel at binigay ito kay Sue. Habang binasa 'yon ni Sue napatingin siya sa akin. Tumungo naman ako bilang tanda na seryoso ko 'yon na inuutos sa kanya. 


~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~

AUTHOR'S NOTE: 

Okay, alam ko maikli ito.  Antok pa ako. 

See you, next chapter. :)

~M

Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon