Chapter 22

7.1K 138 13
                                    

Pagkauwi ko sa bahay, didiretso na sana ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko dahil pansamantala muna akong titira sa dati kong bahay pero laking gulat ko ng makitang walang tao ang bahay kaya dahan-dahan akong naglakad papuntang kwarto at doon naririnig kong may kausap si Casandra sa phone. 

"Dad? Kailan ka ba uuwi? I can't do this anymore! I love Austin so much, at ayokong mapunta siya kay Ziah ng gano'n-gano'n lang! Mabuti na lang nakakatagal pa si Tito Delmonico sa pagpapanggap," She lied to me? Anak siya ni Atty. Delgado?! Nagpatuloy naman ako sa pakikinig pero hindi ko na makontrol ang pagsabog ng dibdib ko at panginginig ng kamay ko. 

"Yes, kaso hindi na tumatanggap ng bagong shareholders ang ZAC Network, nakatunog na ata sila na uuwi ka na. Actually, he's been busy at nafefeel kong anytime babalik na siya kay Ziah once na nagkita na sila, and I think nagkita na nga sila dahil-"binuksan ko ang pintuan ng dahan-dahan dahil naisip kong kung napaglalaruan nila ako ng ganito kadali, kailangan ko din silang paglaruan ng paulit-ulit. Nagulat naman siya at mabilis na nagpaalam sa kausap niya. 

"Baby, nandito ka na pala, kumusta ka na? Okay ka lang ba? Anong nangyari sa araw mo?" kinalma ko ang sarili ko at bumuntong hininga. Ngumiti lang ako kahit na ang totoo ay gusto kong sumigaw. 

"Kukuha lang ako ng gamit, dahil may pinagagawa ang daddy mo sa akin, alam mo namang kailangan kong sundin 'yon dahil 'yon ang kailangan para matupad mo na ang gusto mo," ngumiti siya at nagmadaling kumuha ng bag at tinulungan akong magimpake. Habang ginagawa niya 'yon napansin kong panay ang tingin niya sa akin, ngumiti ako at tumitig sa kanya. 

"May ginawa ka bang di ko alam, kaya ka panay titig sa akin?" napaubo naman siya at natawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"May ginawa ka bang di ko alam, kaya ka panay titig sa akin?" napaubo naman siya at natawa. 

"Wala a, kung may gagawin man ako lahat 'yon malalaman mo," nakangiti niyang paliwanag habang nagtitiklop ng mga damit ko. Inayos ko naman ang mahahalagang papel na pinagkatago-tago ko noon pa at inayos ko na din ang ilang mga damit na dadalhin ko. Napansin ko namang naghanda siya ng panibagong bag at naghahakot din ng damit niya. 

"Bakit? Masyadong mabigat ang trabaho at makakasama ko si Brandon sa bahay, you should stay here, I'll call you when I get there.." malamig kong paliwanag sa kanya. Kinuha ko ang mga bags ko at hinalikan siya sa noo at nagpatuloy sa paglabas ng kwarto. 

Nakasunod lang siya sa akin habang hindi mapakali. 

"Ga..galit ka ba?" Galit na galit!

"Why would I? Magsabi ka nga ng totoo? Nakabasag ka ba ng pinggan?" seryoso kong tanong sa kanya. 

"Ah.. Oo eh.. Pasensya ka na ha? Di ako gano'n kagaling maghugas ng plato," pilit man niyang ikubli lumalabas sa mukha niya ang mukha ng isang sinungaling na tao.

 Pasensya ka na ha? Di ako gano'n kagaling maghugas ng plato," pilit man niyang ikubli lumalabas sa mukha niya ang mukha ng isang sinungaling na tao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon