"So what happen to the debut concert of ZIP? Any information's? Nabusy lang ako saglit sa mga issue na binigay niyo sa'kin, then ang mga heads ko? hindi na ba nagtrabaho? Where's Mr. Matthew?" paliwanag ko nang masinsinan sa kanila. Pinipigilan ko ang sarili kong mainis dahil sa mga taong umaasa na lang sa kakayanan nang ibang tao. Nagsimula naman silang magbulong-bulongan sa harapan ko pa mismo. Nakatingin sa'kin si Sue at alam kong alam niya na naiinis na ako.
"Ang ayoko sa lahat that everyone are acting like I don't exists at all. Pag may tinatanong ako, ibigay niyo agad ang sagot," pigil na pigil kong paliwanag sa kanilang lahat. Nagsiyukuan silang lahat at tumahimik na para bang mga napagalitan nang mga nanay nila. Ang tanging naglakas loob lamang sa pagsasalita ay si Talent Manager/Events Section, Jose Orani.
"Madam, Mr. Matthew Cruz just pass a resignation letter to the HRD yesterday. And I got your message about handling the debut concert of the ZIP, that was okay for me. But the big problem was, Mr. Matthew cancelled the schedule to MOA Arena at wala nang slot for that day dahil nakuha nang Moonlight Network ang araw na iyon."
"That is supposed to be the Moonlight Magic Ball will be held, right?"
"Yes, madam." nagkaroon naman nang kaunting pag-aalala ang mga trustee's nang bawat section dahil sa pagkakaresign at pag-iwan ni Matthew sa ZAC Network. Kinalma ko naman silang lahat at sinabing hahanapan nang paraan ang gusot na ginawa ni Matthew, kaya naman inassign ko muna si Mr. Orani na hawakan muna sa ngayon ang ZIP at hahanap nang mas okay na venue at oras para sa kanilang debut concert.
"Don't worry, I'll make it a point na makakausap ko bukas si Matthew regarding this matter, pero if he really wanted to resign then let him be," nagpasa naman nang mga project reviews ang mga heads regarding sa achievements and future assigments nang bawat departments and sections. Agad namang kinolekta ni Sue 'yon at nilagay sa tabi ko.
"You can go now ladies and gentlemen, Mr. Orani please stay for a while." nanatili si Mr. Orani gaya ng sabi ko. Kinausap ko siya na habang wala pang kapalit ang isa sa magaling na Talent Manager na si Matthew ay siya na muna ang pahahawakin ko nang mga ibang trabaho nito. pumayag naman siya at makakaasa akong gagawin niya nang maayos ang trabaho niya.
"Anyway, bukod doon gusto ko lang itanong regarding what happened to my parents," bigla namang siyang nagulat sa tanong ko at napakagat nang labi. Si Mr. Orani kasi ang huling taong nakausap nila Mama at Papa bago sila sumakay nang sasakyan.
"Ang tanging naalala ko lang po ay masaya sila na papunta sa parking. Pero ang huli kong naalala din tinawag sila nong abogado nila at nag-usap pero umalis na din ako dahil nagmamadali akong maabutan ang event that time, Madam." Si Atty. Delgado ang huli nilang nakasama at nakausap before the accident happen? Hindi na ako muling nagtanong dahil na din sa may trabaho ding dapat asikasuhin si Mr. Orani.
"Maraming salamat Mr. Orani. Kung nabibigatan ka masyado sa work load na binigay ko, you can tell me right away, okay?" nagpasalamat din si Mr. Orani sa opportunities na binigay ko. Bago siya magpaalam ay sinabi niya ding mahahanap ko din ang tunay na may kasalanan sa pagkamatay nang magulang ko.
Lumapit sa akin si Sue at binigay ang isang envelope na naglalaman nang isang sulat. Napatingin naman ako sa kanya at tinanong kung kanino iyon nanggaling pero umiling lang siya. Binuksan ko iyon at nakita kong galing kay Austin ang sulat.
I can't pick you up tomorrow, magkita na lang tayo sa lobby nang venue bago ka pumasok.
PS: Be aware of everything.
,Austin.
"May paganto-ganto pa siya?" tanong ko habang nakatingin sa sulat.
"Ano po bang nakalagay madam?," napatingin naman ako sa kanya at itinabi ang envelope.
"Paalala lang for tomorrow's event," sagot ko sa kanya, "pakipadala na lang sa bahay yong damit na gagamitin ko. Uuwi na ako para makapagpahinga at mabantayan si Shine. Kayo na bahala dito," dahil sa gusto ko ding paghandaan ang paghaharap at pagkikita naming muli ni Georgina Smith kailangan ko ding mag-effort kahit papaano. And I feel very exhausted today and all I want is a long sleep.
-
Author's Note:
Hi guys! Sorry kong napakaplain lang nang chapter na ito. Hindi gumagana ang utak ko. Pero promise next chapter babawi ako dahil Moonlight Magic Ball na sa next chappy. :)
Salamat!
~miki
BINABASA MO ANG
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)
ChickLitWritten by: @mikimiloves01 A NEW LOVE STORY OF RENT A GENTLEMAN. © 2016 MIKI VILLAROSA ALL RIGHTS RESERVED. Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.