Chapter 9

8.3K 188 35
                                    

Nagising na lang ako habang katabi ko si Shine na sobrang sarap ng tulog. Wala akong ginawa kundi ang titigan siya at yakapin nang mahigpit ng paulit-ulit, kaya naman nagising siya at yumakap din pabalik.

"Malalate sa pag-uwi si ate mamaya okay? Behave here ah? Lahat nang iutos ni Aling Lorna susunod ka a?," nakangiting paliwanag ko kay Shine. She's so sweet kahit na minsan nagtotopak at mahirap pigilan. Tumungo si Shine at ngumiti 'yon lamang ang sagot niya sa mga bilin ko sa kanya.

Bumangon na kami para mag agahan, masaya naman kaming binati nila Aling Lorna at inaya nang kumain.

"Let's eat Aling Lorna, tawagin mo na din sila Josephine sabayan niyo na kami, hindi naman mauubos ni Shine 'to. Isa pa? Alam kong ikasasaya ni Shine na magkaroon nang kasalo," nakangiti kong sabi sa kanila.

Isa isa naman naglapitan ang mga kasama namin dito sa bahay at ikinatuwa iyon ni Shine at masaya niyang pinagsilbihan ang mga ito. Habang masaya kaming kumakain bigla na lamang may nag doorbell kaya naman dali daling pinuntahan ito ni Josephine.

"Madam? Nandito po si Atty. Delgado," at kasunod ni Josephine si Attorney na pumasok sa loob nang bahay. Kinagulat ko iyon dahil wala naman kaming napag-usapan na magkikita ngayon o pupunta siya ngayon.

"What a pleasant surprise? I don't think we have an appointment, Attorney?" nagtataka kong tanong pero pinilit kong ngumiti sa harap niya. Tumayo ako at iniwan muna sila Shine at ang iba pa para harapin si Atty. Delgado. Nagtungo kami sa sala para doon mag-usap.

"Narinig ko na hindi mo pinayagan si Matthew na makipagbalikan sa'yo?"

"That's your main reason? Kung bakit nandito ka ngayon nang maaga? FYI, hindi ko na gusto si Matthew kaya walang dahilan para balikan siya. Atty. Delgado? Buhay ko 'to at ako lang nakakaalam at pupwedeng kumontrol dito. Don't worry, makakapagpakasal ako on time," naiinis kong sagot sa kanya. Hindi ko alam pero nakakairita siya the way he open up about Matthew's issue.

Tumungo lang siya at hindi na nagsalita pa. Nagpaalam na lamang siya kay Shine at saka dumiretso papalabas nang bahay.

"Madam, nakakapagtaka naman po si Attorney? Ang aga aga para magtanong sa inyo nang personal na ganon? Pwede naman siyang tumawag," nagtatakang tanong ni Josephine. Kahit naman ako nagdududa sa mga ikinikilos ngayon ni Atty. Delgado. Ngumiti na lamang ako at bumalik kami sa hapagkainan. 

Inubos ko ang oras ko kay Shine bago pa man din dumating ang kinahapunan ayoko kasing mag-aksaya ng oras gusto ko bago man ako malate nang uwi ay nabusog ko sa pagmamahal ang kapatid ko. On time namang dumating sila Sue at Brett ng alas tres ng hapon kaya naman pinaakyat ko na si Shine para makapagayos na din ako nang maayos. Iniabot sa akin ni Brett ang damit na idinisign ni Raja. Simple lang ito at saktong sakto sa gusto kong mangyari.

"Madam? Kinontak ka na po ba ni Austin?," tanong ni Sue. Napatingin ako sa kanya at naisip ko ding hindi niya pa ako kinokontak mula kahapon. Ayoko namang matakot dahil wala siya dahil kayang kaya ko namang dalhin ang sarili ko kahit wala siya.

"Bayad naman siya kaya siguro naman tutupad 'yon sa usapan. Pag hindi? Si Brett na lang," bigla namang napakunot ang noo ni Brett at umiling-iling sa'kin. Natawa na lang ako sa kanya at tinignan ang damit. Dumating din naman ang team na mag-aayos sa akin para sa mamayang event.

"Ayoko nang masyadong make up, just wanted to be simple and," naputol ang pagpapaliwanag ko dahil sa natawa ang make up artist ko.

"Madam Ziah? We already know that. Alam na alam naming you just wanted to be simple in every event you're going to, so guys? Let's do this." 

Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon