Chapter 2

11.7K 184 12
                                    

Napahinto ako sa tinawag niya sa akin. Lahat ng tao sa board room ay biglang napipe at itinago ang mga mukha sa kamay nila. Pinilit kong magtimpi, magpasensya at umintindi hangga't makakaya ko, pero never akong hindi pumatol sa mga taong nahihibang na.

"Brett! Ilabas mo na muna si Georgina.." Utos ni Sue kay Brett dahil alam niya kung ano ang pwedeng mangyari sa mga oras na ito. Sumenyas ako sa kanila ng wag na. At humarap ako muli kay Georgina.

"You called me what?" Tanong ko sa kanya. Inulit naman niya ang sinabi niya kanina ng proud na proud pa sa sarili niya. Stupid Bitch!

Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang duming nakalagay sa kwelyo niya at saka ako tumitig ng mas malalim pa kesa kanina.

"I'm not a stupid bitch! I am a rich bitch, Georgina. At lagi mong tatandaan na kahit ano pa ang itawag mo sa akin? Ako pa din ang mas mayaman, mas may pinag-aralan at mas maimpluwensyang babae kesa sayo. Malaki lang ang boobs mo pero mas malaki ang utak ko sayo, hindi porket hindi ako umiimik hindi ako papatol, hindi rin ako basta-basta nagpapatapak sa mga taong katulad mo.." Ngumiti kong sabi sa kanya. Napaismid naman itong si Georgina Smith at nagpaypay dahil sa mga pawis sa mukha niya.

"At this moment? May isa ka na lang na dapat gawin para i-consider ko ang renewal of contract mo. Release a public apology, and that's it! Wala na tayong proble---"

"No! I'm not going to release a public apology for that kind of moron people!" Nagsusumigaw niyang sagot sa akin.

"Then? Lumipat ka na sa ibang station. You are no longer connected to us.." At pinunit ko ang contract niya sa harap niya, sa harap ng manager niya at harap ng board of trustees.

"The meeting is now adjourned! You can go back to your respective places. Thanks everyone! Sue? Please bring my files.."

Sa paglabas ko ng board room narinig ko ang pagwawala ni Georgina pero pinabayaan ko nalang at ayokong masira ang araw ko. Umagang-umaga pa naman. Umupo ako sandali at ininda ang mga salitang stupid bitch. Kailangan kong maging matapang at matatag yan ang itinuro ng magulang ko sa akin bago sila nawala. Kaya naman hindi ko maiwasang maluha pag naiisip kong kami nalang ni Shine ang natitira sa mapanghusgang mundong ito.

"Madam Z?" Pinunasan ko ang mga luha ko at humarap kay Sue. Ibinigay niya ang mga files ko.

"What's my next appointment ulit, Sue?" Mahina kong tanong sa kanya at inilapag ang mga files sa table ko. Pinaalala ulit ni Sue sa akin na may ribbon cutting ako sa magbubukas na bagong restaurant ni Gerry. Gerry is one of the nicest friend of my Dad.

"Okay, pakisabi kay Brett to prepare the car. We'll be leaving in 5 minutes. Aayusin ko lang yung ibang files dito." Seryoso kong sabi kay Sue, lumabas naman siya at naiwan na lang akong mag-isa.

Dinial ko ang phone number sa bahay para icheck kung ano ng ginagawa ni Shine sa bahay.

"Hello aling lorna? Kumusta po si Shine?"

"Okay naman po siya mam ziah, gusto niyo po ba siyang kausapin?"

"Please aling lorna, salamat!" Napangiti ako ng sabihin ko yon kay aling lorna, naeexcite ako palagi na marinig ang boses ng kapatid ko.

"Hello?" (isipin niyo nalang yung boses ni tinay, ganon siya)

"Hi Shine! Si ate to! Kumusta ka na dyan?"

"Ay! Ate ziah! Mimiss ka na po. Uwi ka po agad ha? Wag mo din kalimutan yung pasalubong ko ate ah?"

"Oo naman! Di makakalimutan ni Ate yung bilin mo.."

Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon