Nakatulala akong pumasok sa kotse ko at doon nagpalipas ng oras. Get some informations about this event. Naalala ko ang mga sinabi ng daddy ni Casandra, pero mas buhay ang mga alala ni Shine sa isip ko ngayon. And this is fucking hurt so bad.
Halos sirain ko na ang manubela pag naaalala ko ang nangyari noon, ang sakit sakit na malamang wala na si Shine. Kaya hindi ako magdadalawang isip kung gaano din ako kinasusuklaman ni Ziah ngayon.
Hindi tumigil ang luha ko kahit na pumasok na si Brandon sa loob ng sasakyan, tahimik lamang nito ako pinagmamasdan at hinihintay sa sasasabihin ko.
"Pakihanap kung saan nakalibing si Shine Alfonso-Costavo, I need to know where she is." Hindi sumagot si Brandon, tinignan niya lamang ako ng matagal. Bumuntong hininga siya at nagsimulang magsalita.
"Sir, I can do that. If you need some time, bababa na po ako. Just call me when you need anything aside from that. Goodnight, Sir." Bumaba si Brandon at sinara ang pintuan. Mabilis ko namang pinaandar ang sasakyan ko, hindi ko alam kung dapat nga ba ako umuwi kay Casandra pero ang tanging alam ko lang ay wala akong kwenta.
Dumiretso ako sa dating bahay na pinagtirhan ko noong hindi pa ako umaalis ng bansa. Wala pa rin itong pinagbago, ganoon pa rin katulad ng dati. Sa lalim nang iniisip ko mabilis akong nakatulog sa sofa.
"Anong ginawa ng magulang mo sa tatay ko?!" sigaw ko kay Ziah.
"Huwag kang magalit, baka patibong lamang ito ni Atty. Delgado! Katulad mo I am seeking the fucking truth!" mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya kaya makikita mo sa mukha niya na nasasaktan na siya.
Pumikit lang ako saglit at nakarinig na ako ng isang putok at sa pagmulat ko ng aking mga mata ay nakatambad na ang katawan ni Shine sa lupa. Napuno ng galit ang puso ko, kasabay noon ang pagmamadali nila Atty. Delgado sa pagtakbo dahil sa nangyari, iniwan ko sila Ziah at Shine para habulin sila Atty. Delgado upang pagbayaran ang ginawa kay Shine. Pero ang tanging ganti na lamang na tumambad sa akin ay mga bala, mga baling maaari ring kumitil ng aking buhay.
"Pakibilisan niyo po, kailangang maligtas ninyo si Shine....."
Sa pagbaba ko ng cellphone, isang lalaki ang lumapit sa akin at tinutukan ako muli ng baril, bahagyang bumagal ang pag galaw ng mundo at kitang kita ko pa ang bala habang ang tanging direksyon lamang nito ay sa ulo ko.
Nagising ako na basing basa sa pawis. Hinihingal habang nakahawak sa dibdib. Napansin ko naming panay tunog ng cellphone ko kaya naman chineck ko ito at nakita kong si Casandra ang tumatawag.
"Hello.." mahina kong sagot.
"Nasaan ka? Anong nangyari sa'yo? Kanina pa ako tumatawag, Austin!" nagagalit na sabi ni Casandra sa akin. Umupo ako ng maayos at bumuntong hininga.
"I'm okay, nandito ako sa dati kong bahay. Something happen kaya dito muna ako natulog.." paliwanag ko sa kanya, tinignan ko ang oras at alas sais na pala ng umaga. Hindi sumagot agad si Casandra kaya naman natahimik din ako.
"Nagkita na kayo ng Ziah na 'yon no?!"Sigaw ni Casandra, hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya at hindi ko din hilig na makipagtalo lalo na't may pinagdadaanan ako. Bumuntong hininga ako at saka ko siya muling sinagot.
"Yes, nakita ko siya, and I have a lot of things running in my head. So please stop nagging me early in the morning.."
"How come na titigil ako? Knowing na nakita mo siya at--"
"I know from the very start the marriage what we have, Casandra?"
"A.. anong... anong sabi mo?" Bigla namang may tumatawag sa kabilang linya kaya wala akong magawa kundi magpaalam na muna kay Casandra. Hinang ko ang tawag at sinagot ang pangalawa, sakto namang si Brandon ang tumatawag kaya nahimasmasan ako.
BINABASA MO ANG
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)
ChickLitWritten by: @mikimiloves01 A NEW LOVE STORY OF RENT A GENTLEMAN. © 2016 MIKI VILLAROSA ALL RIGHTS RESERVED. Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.