She..
She's too beautiful..
She..
"Pst!" nakita kong nakatingin at sumisitsit sa akin si Sue. At doon bumalik ako sa ulirat. Lumapit ako agad sa kanya at agad niya naman akong hinatak papalapit kay Ziah.
Tumingin lamang si Ziah sa akin at ibinigay ang bag niya. Walang emosyon ang mukha nito pero nakikita kong pinipilit lamang niyang ngumiti sa harap ng camera.
"Just stay at my back, Thanks." Malamig na sabi niya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad. Katulad ng sinabi niya I have her back, habang pinagmamasdan ko siya panay kaway lamang ito at kumakamay sa mga taong inaabot ang kamay niya. Binangga naman ako ni Sue at pinaalalahanan muli sa mga bagay na dapat kong gawin.
Pumasok na kami sa loob ng venue at doon ay nagsimula na ang programa. Nakita ko naman 'yong dalawang lalaki sa comfort room na pinag-uusapan si Ziah, panay sila tingin dito at hindi mapakali sa kinauupuan.
"Kung may kailangan po kayo, nandito lang ako sa gilid ng table niyo.." Paalam ko kay Ziah at saka gumilid para magmatyag sa mga ginagawa ng lahat.
Tonight is the most important day for the people who really work hard just for the network. And I would love to introduce you the veryt important person to give us an inspirational messages, please welcome our very own na nagbabalik, President Ziah Alfonso-Costavo.
Nagpalakpakan ang lahat kasama na ako doon at lahat sila ay nagsitayuan pa. Inalalayan siya ng isa sa mga lalaking nakita ko sa cr pero hindi niya 'yon kinuha bagkus tumingin siy sa direksyon ko at itinaas ang kilay. Nawala sa isip ko na ako nga pala ang mag-aalalay sa kanya. Nagmadali naman ako para samahan siya paakyat ng stage.
"Thank you so much for your warm applause, it's been a year since I saw you guys and I am very happy to be here. Ano nga ba ang masasabi ko?" Nagtawanan ng bahagya ang mga tao.
"Hindi madali ang mga pinagdaanan ko ng umalis ako ng bansa, I had to work hard for my parent's only treasure and that's the network. Outside of the country, I've learn so many things at isa sa mga 'yon ay kahit anong gawin mong maganda sa kapwa mo, may masasabi at masasabi pa din ang mga na sa paligid mo," kumindat siya at bahagyang ngumiti.
"Lahat ng natutunan ko sa ibang bansa ay ipagpapatuloy ko dito para sa pagpapalakas ng ating network. Nawalan man ako ng isa sa pinakaimportante sa buhay ko, hindi ko puwedeng itigil ang laban dahil pag tumigil ako, para ko na ring isinuko ang pagkawala nila. This event is nothing but to say thank you for all of your hardworks! So enjoy! And have a great night!" Ako ba ang sinasabi niya? Nakaramdam ako ng konting saya sa pag-aasume ko na 'yon.
Nagsitayuan muli ang lahat at nagpalakpakan sa pagtatapos ng message ni Ziah. Napatakbo ako ng makita ko siyang pababa na ng podium. At sa di inaasahang pagkakataon inabot niya ang kamay ko ng gano'n gano'n lang. Inalalayan ko siya sa pagbaba ng stage at inihatid sa table niya.
Nagsimula na ang program sa loob ng venue at matyagang pinanunuod lamang 'yon ni Ziah at ng mga directors ng Network. Naaninag ko naman ang mukha ni Brandon na nagmamatyag din sa kaganapan sa venue, tumingin lamang siya at tumungo. Kaya lumabas ako at nakipagkita sa kanya sa labas, tumingin muna ako sa paligid at saka tinanggal ang maskara.
"Napakainit naman ng binili mong masakara," reklamo ko habang pinupunasan ang aking mukha. Natawa naman siya ng bahagya at bumalik din sa pagseseryoso.
"Narinig ko na may nais bumili ng ZAC Network, pero kahit mamatay daw ang may-ari nito ay hindi ito ipagbibili," may gustong bumili ng kumpanya?
BINABASA MO ANG
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)
ChickLitWritten by: @mikimiloves01 A NEW LOVE STORY OF RENT A GENTLEMAN. © 2016 MIKI VILLAROSA ALL RIGHTS RESERVED. Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.