Chapter 28

7.1K 135 10
                                    

"Long time no see, kids?"

Isa sa pinaka nakakagagong pambungad ni Atty. Delgado. Kung hindi ko lang dinadala ang baby namin ni Austin baka kanina ko pa siya natarakan ng gunting sa leeg. Itinayo niya ang naglulupasay niyang anak sa sahig at pinagpagan nito ang mga dumi na nakasabit sa damit. 

Hindi ko maisip na nasa harap ko ngayon ang pumatay sa magulang namin ni Austin at kay Shine. Nanginginig ako, gusto kong pumatay ngayon din sa kinatatayuan namin. Wala akong magawa kung hindi ang tumitig sa kanya habang namumuo ang mga luhang nais kumawala. Sinalo ni Austin ang mukha ko ng mga kamay niya at ngumiti siya kaya naman nanumbalik ako sa katinuan. 

"Ang kapal ng mukha mong magpakita sa amin.." Sa sobrang kakapalan ng mukha niya nagawa niya pang tumawa at makipagshakehands pero hinawi ko yon. 

"Ayoko sa lahat na makikita kong inaagrabyado ang anak ko, lalo ka na Austin. Binabalaan kita na kailanman huwag na huwag mong hahawakan ang anak ko kung ayaw mong mawala ang pinakamamahal mong a-" bigla na lamang itong huminto ng tumawa si Austin, mahigpit ang hawak ni Austin sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya. 

"Anak ko? papatayin mo din ang anak ko? Atty. Delgado, ngayon pa lang naghuhukay ka na ng sarili mong libingan. Anong akala mo? wala akong ginagawa sa mga buwan na hindi tayo nagkatagpo? Sabi nga nila pana-panahon lamang 'yan, kaya mag-iingat ka dahil baka ngayon na ang panahon mo." 

Tumawa ng malakas si Atty. Delgado at saka tumingin sa amin. 

"Tandaan mo, papunta ka pa lang pabalik na ako.."

"Tama pabalik ka na sa buhay na dapat sa'yo," nakangiting sagot ni Austin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tama pabalik ka na sa buhay na dapat sa'yo," nakangiting sagot ni Austin. At saka naman kami tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo sa kanila. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib sa pagkikita naming 'yon. 

Napahawak ako ng mahigpit kay Austin, huminto ako at tumingin sa kanya. Nag-alala ng husto si Austin, niyakap niya ako ng mahigpit dahil alam niya kung gaano ako nagagalit sa mga oras na iyon. Yumakap ako pabalik. 

"Huwag kang papayag na mawala ang anak natin, ikamamatay ko pag nangyari 'yon Austin, natatakot ako sa mga posibleng mangyari.." hindi tumitigil ang mga luha ko habang sinasabi 'yon kay Austin, hinalikan niya ang noo ko at hinawakan ang mga pisngi ko. 

"Hinding hindi ko kayo pababayaan ng anak natin, may mga plano na akong gawin at kaunti na lamang ay mailalatag ko rin 'yon para tuluyan na siyang makulong at pagbayaran ang lahat ng ginawa niya," 

Pumasok kami sa opisina, naroon sina Sue, Brandon at Brett na naghihintay sa pagbabalik namin. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala pero mukhang hindi lamang ang kalagayan ko ang pinangangambahan nila kung hindi ay mas may malalim pa roon. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon