Chapter 10

8.9K 211 21
                                    

Happy 3.2k reads mga bebe! :) Salamat sa pagbabasa alam kong marami dito ang silent readers nila Austin at Ziah! Maraming maraming salamat mga bebe!!! :)

Nga pala maulan ngayon kaya dapat stay safe at stay dry okay? :)

Note: Guys don't play the song in the upper part. I'll let you know the part where you should play the song. Thanks! :)

 ~  

Moonlight Magic Ball.

 ~  

Bonggang-bongga ang Moonlight Magic Ball, talaga namang pinaghandaan nila ito at pinagkagastusan ng husto. Habang papasok kami sa loob ng venue pinaliwanag ko kay Austin na ang typical na ball ay magulo, magulo kasi maraming tao, mga reporters at photographers na pwedeng makakuha ng kanilang istorya. Hindi rin maiwasang titigan at tignan kami ni Austin mula ulo hanggang paa nang mga taga Moonlight Network dahil nga ako si Ziah at boss ako ng kabilang sikat na network. Pero ang iba naman ay masayang makita ako sa kanilang special event. 

"May ganitong event din ba sa network mo?" tanong ni Austin. 

"Meron, twice kaming nagkakaroon nang event para sa buong kumpanya, sa christmas party at new year's party." sagot ko sa tanong niya. Habang inaalalayan niya ako sa paglalakad nakita ko naman si Sue at Brett na naghihintay sa pintuan. Hindi naman niya maiwasang matawa sa sinabi ko.

"Madam, kung may kailangan man po kayo nandito lang kami sa labas ni Brett," at binigay niya sa akin ang pouch ko at iniwan na kami ni Austin. 

"Makinig ka, hindi ko alam kung eto na ba yong right time to announce the plan pero siyempre mas gusto kong iannounce yon sa network ko, mas maganda siguro kung may mangyayaring ikagugulat ng lahat pati ako, ikagugulat ko." paliwanag ko sa kanya.

Pumunta na kami ng registration area kung saan talaga namang nag-effort na hintayin ako ni Georgina at Matthew doon.

Nakapamewang si Georgina at nakatayo namang tuwid itong si Matthew habang hawak hawak sa bewang si Georgina. Pareho silang nakangisi sa akin at mukha silang tanga. Feeling kasi nila ay prinsipe at prinsesa na sila ng network na ito kaya ganoon na lamang kalakas ang loob nilang mag-inarte nang ganito.

"Well! Hello my dear ex-boss, infairness nakapageffort ka pa talagang magpunta dito a at mag-ayos?," pangaasar na sabi ni Georgina sa akin, tumawa naman siya ng bahagya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Of course, I am invited by the boss's of your mother network. Effort na ba 'to sa tingin mo? Georgina, hindi pa ako nag-eeffort sa lagay na 'to kaya wag kang umastang,whatever." nakangiti kong sagot sa patutsada niyang parang bata. Narinig ko naman ang munting halakhak ni Austin at napakasexy noon pakinggan kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Madam Ziah Alfonso-Costavo, right?" tanong ng babaeng nakaduty sa registration. Tumungo ako, ngumiti at pumirma. Sumunod naman niyang binigkas ang pangalan ni Austin Reyes.

"Yes, that's me," nagtaas pa ng kamay si Austin.

"Is that your boyfriend?" nagsimula na namang magsalita si Georgina. Tumingin kami ni Austin sa kanya at napairap naman siya.

"Hindi basta-basta pumapatol ang isang Ziah Alfonso-Costavo sa mga lalaki, so anong work mo? Isa ka ba sa mga bagong discover na artist?" may pangisi-ngisi pa siyang nalalaman at doon ko narinig ang halakhak naman ni Matthew.

"Baka delivery man, hon?" pang-aasar nito. Bigla namang lumapit ang isang staff at may binigay kay Austin. Kinuha niya iyon at saka humarap muli sa dalawa.

Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon