Sa pagbaba ng sasakyan ni Austin marami ang mga reporters na kating-kati siyang interviewhin. Pero katulad nga ng sabi ko, I will only give the answers in my own network so patience is a virtue. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Austin at inalalayan sa pagbaba ng sasakyan kaya mas lalong nagkagulo ang lahat. Agad namang nakipagbuno ang mga body guards ko para makadaan kami ng maayos papasok ng network. Sa isang hall ng network nagipon-ipon ang lahat ng mga reporters, ZAC man o taga kabilang networks para sa announcement ko.
Sa pagpasok namin sa hall, nabulag ako panandalian sa dami ng flashes every corner of the hall pero siyempre to the rescue naman ang "boyfriend" kong si Austin. Sa pag-upo naming dalawa tumingin muna kami sa isa't isa tanda na "ito na ang araw" nang mga plano ko. Ngumiti siya at ngumiti din ako pabalik. Tumingin muli ako sa lahat at nagsimula ng magsalita.
"Thank you for coming all the way here for my announcement. I am very glad that all of you are here and so! Where should I begin? Should I make the announcement? or I should entertain some questions muna?" tanong ko sa kanilang lahat. Kaya naman lahat ng reporters ay mga nagtaas ng mga kamay para sa mga katanungan.
"Is this is after your relationship with Matthew happen?" tanong ng isang reporter. Ngumiti ako at tumungo sa tanong niya.
"Of course, hindi naman ako basta-basta nagkakaroon ng boyfriend." Nakangiti kong sagot sa kanya. Hinawakan naman ni Austin ang kamay ko nang hindi ko ineexpect hindi ko alam kung obvious ba na kinakabahan ako kaya niya iyon ginawa.
"How come that we didn't notice your relationship with your current boyfriend, Madam Z?" tanong ng isang reporter.
"Hindi naman lahat kailangan ipangalandakan sa lahat e, tao din ako and I want privacy." Sagot ko habang hawak hawak pa din ni Austina ng kamay ko and this time mas mahigpit ang hawak niya.
Itinaas ni Austin ang kamay niya para huminto ang ilang reporters sa pagtatanong ng wala namang kabuluhan sa aming lahat. Kinuha niya nag mic at iniharap ito sa kanya, nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya dahil wala naman sa plano namin iyon. Ang lahat ng atensyon ay na kay Austin at masaya niya itong hinarap.
BINABASA MO ANG
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)
Chick-LitWritten by: @mikimiloves01 A NEW LOVE STORY OF RENT A GENTLEMAN. © 2016 MIKI VILLAROSA ALL RIGHTS RESERVED. Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.