AUTHOR'S NOTE: Binabalaan ko kayo! Huwag kayo mag-expect ng kahit anong saya sa chapter na ito, masyadong madamdamin, masakit.
Patawarin niyo ako.
Pero basahin niyo pa rin tapos let me know anong say ninyo.
~
BIDA AWARDS
Magkasama kaming umattend ng Bida Awards Night ni Austin dahil sa likod o harap ng camera ay legal ang aming relasyon, kahit na isa sa amin ay isa lamang itong pagpapanggap. Ngayong araw na ito ang isa sa pinaka espesyal na araw lalong lalo na sa mga artista ng parehong networks. Paparangalan dito ang mga natatanging mga artista sa kanilang angking galing sa mga nagdaang teleserye noong matapos ang anim na buwan.
Naging mainit pa rin ang pagtanggap sa amin ng mga press at iba pang mga reporters dahil sa hindi pa rin umuusad ang mga bagay-bagay dahil sa nakakagulat na rebelasyon ng aming relasyon sa lahat. Sa kabila ng nangyari kay Shine sa bahay at sa eskandalong ginawa ni Aling lorna mabuti na lamang ay napakiusapan nila Sue ang mga press na huwag ng palakihin ang bagay na 'yon para sa kaligtasan ng kapatid ko.
Nagkamit ng maraming parangal ang mga artista ng ZAC Networks at masayang masaya akong makita at masaksihan 'yon ng sarili kong mga mata. Masaya kaming magkasama ni Austin at aaminin kong higit pa sa pagiging rented gentleman ang nararamdaman ko sa kanya. Oo, mabilis akong ma-fall. Sino bang hindi mabilis ma-fall? Lalo na sobrang bait ng tao sa'yo kahit na alam kong babayaran ko siya at the end of the day. Maraming matalinong babae pero nagiging mahina pag nakatagpo sila ng lalaking alam nilang pasok sa lahat ng aspeto ng pagiging kasama sa habang buhay.
"Malalim ata ang iniisip mo?" bulong ni Austin.
"I was wondering about your father, ano kinamatay niya?" may namumuong pag-aalala sa mukha ko. Tumahimik lang siya at hindi sumagot.
Nagbigay ng speech ang maraming artista dahil sa mga parangal na nakamit nila. May mga deserving at merong okay lang naman. Nag-enjoy din ako dahil unang Bida Awards ko 'to na napuntahan ko dahil noon ay hindi ako nakakarating dahil sa ayoko lang pero dahil sa kailangan ng support ng mga artista under the networks at kasama ko si Austin kaya pumunta ako ng masaya. Habang nagpophoto-op ang lahat bigla namang nagvibrate ang phone ko at kinabahan na naman ako ng makita kong galing ito sa bahay kaya naman nagmadali akong lumabas ng Hall.
"Hello?" nag-aalala kong sagot.
"Ate? I miss you! Umuwi ka ng maaga ate ha? We-wait po kita. I love you," malambing na sagot ni Shine. Nawala naman ang kaba ko ng marinig ko ang boses ng kapatid kong na sa maayos naman na kalagayan.
"Oo naman uuwi si ate ng mas mabilis, malapit naman na 'to matapos pero if ever na matagal pa 'to? Uuwi na agad diyan si ate. Binabantayan ka ba ng maayos ni Tita Diana?" Si Diana ang pinsan ko na lumuwas ng maynila para lang alagaan si Shine dahil na rin sa mas gusto kong protektahan siya ng kapamilya kesa sa mga hindi namin ka-ano ano.
BINABASA MO ANG
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)
ChickLitWritten by: @mikimiloves01 A NEW LOVE STORY OF RENT A GENTLEMAN. © 2016 MIKI VILLAROSA ALL RIGHTS RESERVED. Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.