Ziah,
I know you've been working so hard for us and for the company.
Pero gusto ko rin naman na makita kang masaya.
Before you turn thirty I hope you find a gentleman who will spend the rest of his life with you and Shine. I hope Matthew is treating you well and okay.
So sana hindi ka magalit sa nais naming mangyari ng papa mo sayo.
Love,
Mommy.
"That was her letter before she died, naibigay niya yan noong morning na nagkaroon kami ng meeting regarding their last will and testament. Hanggang ngayon wala pa ring lumalabas na ebidensya sa nangyaring aksidente, Ziah?" Paliwanag ni Atty. Delgado habang seryoso kong binabasa ang last letter ni mommy sa akin. Tulala ako dahil sa nais na mangyari ng mom sa akin.
"Bakit naman kailangan kong magpakasal? Masaya naman kami ni Shine, naalagaan ko naman siya. Oo hanggang ngayon naka-hang pa rin sa kawalan ang kaso nila, pero di ako nawawalan ng pag-asa.." Hindi ko pa rin kasi ma-gets kung bakit, tapos naisama niya pa sa letter niya si Matthew. Tumayo ako at kumuha ng maiinom, binigay ko ang isa kay Atty. at umupo muli.
"Alam kong hiwalay na kayo ni Matthew, kaya alam kong mahihirapan kang makahanap ng mapapangasawa" Ako mahihirapan? Hindi mo pa ako masyadong kilala.
"Hindi ako mahihirapan, trust me. Kahit na masyado pang maaga basta para kay mom and dad, so I'll see you pag ikakasal na ako!" Masaya kong sagot kay Atty. Tumayo siya at nagpaalam na sa akin. Hinatid ko siya sa pintuan at kumaway bago ko ito isara. Napabuntong hininga na lamang ako pagkatapos ng lahat ng nangyari ngayong gabi na ito. Napaupo ako ulit at inisip ang Moonlight Magic Ball at ang planong kasal bago ako mag trenta.
Hindi naman pwedeng magbiro ang sulat, naisip ko lang din kung baka si Atty. Delgado na lang ang may pakana non? Hindi rin naman pwede dahil masyadong marami ng bagay na nagawa si Atty para sa aming pamilya.
Isa pa hindi ba mukhang hadlang sa pag-aalaga ko kay Shine ang pag-aasawa? Paano kung di siya magustuhan ng mapipili kong makasama sa buhay? Hindi lang naman pang sariling kapakanan ang gusto ko, kapakanan din naman ni Shine ang mas importante sa akin.
Sa kaka-isip ko hindi ko na namalayang nagba-vibrate ang phone ko. Nakailang tawag na pala si Sue sa akin.
"Yes, Sue?" Tanong ko sa kanya.
"I have an idea madam!" Masayang-masayang bungad nito sa akin.
Ano naman kayang idea ang mayroon siya?
"Go ahead"
"Kung wala kayong mahanap na pwedeng magpanggap na ka-date, let's Rent a gentleman madam!" Rent a gentleman? Mayroon bang ganoon dito sa Pilipinas?
"How come na mag-rent tayo? May alam ka bang rerentahan? Saka sue! This is Moonlight Magic Ball! Ayokong mapahiya dahil lang dito sa rent thingy na ito! Isipin pa nitong Georgina na walang nagkakagusto sa akin.." Mahaba kong paliwanag sa kanya. Matagal namang hindi sumagot si Sue sa sinabi ko.
"Wala pa naman talagang nagtatangkang manligaw sa inyo diba? Madam?" Wow? Ang sakit Sue ah? Idiin mo pa ng todo di ko pa ramdam eh.
"Joke lang madam! Basta tomorrow po natin pag-usapan ng maayos"
"Paki-cancel na din yung regarding sa interview about Georgina. Thanks!"
BINABASA MO ANG
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)
ChickLitWritten by: @mikimiloves01 A NEW LOVE STORY OF RENT A GENTLEMAN. © 2016 MIKI VILLAROSA ALL RIGHTS RESERVED. Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.