LAST CHAPTER: Part I
Nagising akong madaming nakaturok at tila napakalakas nang ilaw na tumatama sa akin. Sa paglibot ko sa mga mata ko sa kapaligiran, natanaw ko si Sue at Brett na mahimbing ang pagkakatulog.
Dinama ko agad ang aking tiyan pero laking gulat ko na hindi ko na maramdaman na nakaumbok ito. Nagbalik ang lahat nang nangyari sa akin, mga binitawang salita ni Casandra, ang pagtanggap ko ng tubig mula sa kanya.
Nagsimula akong umiyak, umiyak ako nang umiyak. Dahil ramdam kong wala na sa sinapupunan ko ang anak ko. Hindi ko matanggap na pati ang anak ko hindi nila binigyan nang pagkakataon maging masaya, makita ang mundong pinapangarap ko para sa kanya. Nagising sila Sue sa iyak ko, kaya napatakbo sila at lumapit sa akin.
"Madam, I'm so sorry!" nagsimulang bumuhos ang mga luha sa mga mata ni Sue. Napaluhod ito habang umiiyak. Lalong mas masakit sa akin ang lahat dahil totoo ngang wala na ang baby ko.
"Nasaan si Casandra?!" galit na galit ako. Pinagtatanggal ko ang lahat nang nakaturok sa akin at handa na akong lumabas at hanapin si Casandra ang mamatay taong anak ng mamatay taong ama niya.
"Madam, please, don't do this.." umiiyak na awat ni Sue sa akin.
"Why did she kill my baby, Sue? Why!?" wala akong ginawa kung hindi ang umiiyak ang isigaw ang baby ko. Ang isigaw ang pangalan
ni Casandra. Nakayakap sa akin si Sue habang nakasalampak kami sa lapag nang kuwarto ko sa hospital.Tinulungan naman ako ni Brett at Sue na tumayo at bumalik sa higaan. I've already lost my parents, my little sister and then my little one. Napansin ko namang wala sa paligid ang presensya ni Austin, pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin kala Sue.
"Where is Austin?" tanong ko sa kanila.
Nagtinginan lamang sila at tikom ang mga bibig na magsalita.
"Please, don't make me repeat my question!" sigaw ko.
"Hinanap niya po ang mag-ama, at nangangamba kaming baka may mangyari sa kanyang di maganda, Madam.."
"Oh God! Does he know?"
"Of course, Madam! He knows. At kung ano man ang nararamdaman niyo ngayon alam kong mas doble pa doon ang nararamdaman niya. Ginawa namin ang lahat para pigilan sila ni Brandon pero wala rin kaming nagawa sa huli. Dahil kitang kita sa mata nang asawa niyo yong galit na matagal niya nang kinikimkim.."
Hindi ko napigilang humagulgol nang malamang wala si Austin sa tabi ko, lalong lalo na nang sabihin ni Sue na hinahanap nito ang mag-ama para iganti ang nawala naming anak.
Kahit sobrang sakit, pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Nag-isip ako nang mga paraan para hanapin si Austin, dahil hindi mapapanatag ang puso ko hangga't di ko nalalamang okay siya at worst case scenario ay baka hindi na kami magkita.
Bago ko pa man i-suggest naireport na pala ito nila Sue at Brett sa mga police. Humiga ako at naisip na naman ang walang kamuwang muwang kong anak na pinatay nila. Tuloy pa ring umaagos ang mga luhang kahit itago ko ay kusa at gustong kumawala.
Biglang may kumatok sa pintuan. Nagtinginan ang dalawa at maya-maya pa'y pinuntahan ito at binuksan.
"Mga pulis." Bigkas ni Sue at napatingin sa akin. Tumungo ako at pinapasok na ni Sue ang mga ito. Umayos ako nang upo at pinunasan ang mga luha bago ako humarap sa kanila.
"Mam Reyes, marami nang nakasampang kaso sa nireport niyong sina Atty. Delgado at Cassandra Delgado. Way back 2009 ay may report din ang iyong asawa nang pagkamatay ng isang lalaki, napagalaman din naming isa sa kanila ang wala sa tamang pag-iisip." Paliwanag nang isa sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)
ChickLitWritten by: @mikimiloves01 A NEW LOVE STORY OF RENT A GENTLEMAN. © 2016 MIKI VILLAROSA ALL RIGHTS RESERVED. Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.