Nagmadali akong umuwi ng bahay para iayos ang mga damit ko. At desidido na ako na lumipat muna pansamantala kay Ziah dahil na rin alam kong may mga darating na bagong pagsubok lalo na't nandito na si Atty. Delgado. Kailangan ko na ring ipunin ang lahat ng ibidensiya para tuluyan na siyang mawala.
"Anong ginagawa mo?"
Naaninag ko na si Casandra ang na sa tabi ko ngayon. Pero di ko siya pinansin at nagpatuloy lamang na mag-ayos ng mga gamit ko, pero hinatak niya 'yon at inihagis sa sala.
"Hindi mo dapat ginagawa sa akin 'to, Austin, asawa mo ako!" napatingin ako sa kanya at natawa sa mga bagay na binabanggit niya ngayon. There was never an us. Kinuha ko ang mga gamit ko at nagpatuloy na mag-ayos pero ganoon pa rin ang ginawa niya sa mga gamit ko.
"Huwag mo akong piliting masaktan ka, Casandra.." nagpipigil kong sabi sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit at nagsimula siyang umiyak ng umiyak.
"Okay lang na saktan mo ako! Huwag ka lang mawala sa piling ko! I can't live without you, Austin baby, please.." pinilit kong tanggalin ang kaniyang mga kamay na nakayapos sa aking katawan, pero hindi siya bumitaw. Hindi ako gumalaw at hinayaan lang siya sa ginagawa niya, hindi ako kumikibo kahit paulit-ulit siyang nagmamakaawa hanggang sa umupo siya.
"Galing ako sa ZAC Network at nakita ko 'yong Ziah na sinasabi sa TV,"
Napatingin ako sa kanya.
"Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa akin! Kung kailangan ko siyang sak--" napakagat ako sa labi ko habang pinipigil ko ang sarili ko sa puwedeng mangyari ngayon sa amin. Masyado ng maraming pinagdaanan si Ziah para dumagdag pa siya at hinding hindi ko naman papayagan kung sakali ngang gawin niya 'yon.
"Sasaktan mo?"
Tumahimik siya habang nakatingin sa akin.
"Wala ka ring pinagkaiba sa tatay mo, Casandra.."Hindi ko mapigilang hindi maluha sa sobrang galit lalo na't pag naalala kong tatay niya ang pumatay sa tatay ko. Kinuha ko ang bag ko at dumiretso papalabas ng kuwarto. Humabol siya sa akin at pinigilan akong lumabas pinilit kong tanggalin muli ang mga kamay niya.
BINABASA MO ANG
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)
ChickLitWritten by: @mikimiloves01 A NEW LOVE STORY OF RENT A GENTLEMAN. © 2016 MIKI VILLAROSA ALL RIGHTS RESERVED. Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.