Chapter 31 (SEASON FINALE)

10.3K 193 30
                                    

Last Part: THE ENDING


Austin taught me how to love.

Austin taught me when to trust and when not to.

Austin taught me that there's a whole new world for us.

I maybe a smart one, pero inaamin kong mahina ako pagdating sa mga mahal ko.

I already gave up my life for the people who used to loved me with all of their hearts.

"But this isn't the time" I heard a voice coming from the light.

"Ziah" I know that voice.

"Mama?" at bukod sa kanya kasama niya ang aking papa at si Shine.

"Sa wakas, buo na tayong muli!" masaya kong bati sa kanila pero hindi sila masaya.

~

Nakarinig ako nang putukan sa labas nang kuwartong kinatatayuan namin. Habang bumagsak si Ziah, nakarinig din ako nang isang putok na nagpabagsak kay Casandra, nagpakamatay na siya nang hindi pa hinihingi ang permiso sa aming mag-asawa.

Mabilis kong niyakap si Ziah habang nakatingin ito sa akin pero hindi niya na ako naririnig at tuluyan nang nawalan nang malay. Agad naman akong tinulungan ni Brandon para madala si Ziah sa kalapit na hospital.

"Babe! Babe! Kaya mo 'to diba?!" nagsusumigaw kong pakiusap kay Ziah na kayaning lumaban. Habang umaagos ang dugong nagmula sa tagiliran niya na tinamaan nang bala, pinipilit kong takpan 'yon at umabot siya sa operating room.

"Please don't leave me here alone, Ziah! I can't!" humahagulgol kong sabi sa kanya habang itinatakbo namin sya sa OR. Pero hindi na nila ako pinayagan pang makapasok sa loob at naiwan akong nakatayo sa harap nang pintuan na nagsusumamong lumaban siya.

Iniyak ko ang lahat nang sakit nang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na kakayaning pati si Ziah ay mawala sa akin. Natagpuan ako nila Sue, Bret at Brandon na lugmok sa upuan habang naghihintay nang balita kay Ziah.

"Death on arrival si Casandra, Atty. Delgado didn't make it through, Sir" mga balitang kay Ziah sana nila unang binungad.

Gusto ko sanang mag-react sa mga sinambit nila pero wala ako sa sarili ko. Nilapitan ako ni Brandon at itinuro ako sa isang nurse para bigyan nang first aid, may tama ako sa tagiliran pero buti na lamang ay di ganon ito kalalim at ang tama ko sa ulo. Hindi ako pumayag na gamutin sa ibang lugar dahil gusto ko na pag lumabas ang doktor ako agad ang makakaalam kung okay ang asawa ko. 

Makalipas ang isang oras na paghihintay.

Bigla na lamang nagkagulo ang mga nurses at mga doktor sa loob nang OR at nagsilabasan.

Kinabahan ako ayokong maramdaman at sabihin nilang hindi na lumaban si Ziah. Napatayo ako at napahawak sa ulo ko na para nang mababaliw.

Nakita kong may dala-dala ang isang nurse nang bag ng dugo, hinarang ko siya para tanungin pero nabangga ako nang iba na may dalang gamit na pang-revive sa mga taong hindi na nagreresponse.

Huminto ang takbo nang mundo.

Gusto ko na ring huminto ang buhay ko.

Tumakbo ako sa loob kasunod nila at nakita ko kung paano nila ginagawa ang lahat para bumalik ang pulso niya. Pero wala. Isang guhit na lamang ang nakikita ko. Ito na ba ang katapusan? Ito na ba ang kahuli-hulihan?

Pansamantala akong tumigil at tumawag sa kanya. Dahil alam kong siya na lamang ang tanging makakarinig nang pagsusumamo kong huwag na munang kunin ang asawa ko. Hindi pa ako natatapos sa dasal ko nang marinig ko ang muling pagtunog nang heartbeat niya.

Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon