Chapter 16

7.1K 146 3
                                    

"Mommy, is she my little sister?" 

Masayang masaya akong makita ang bago kong kapatid dahil katulad ni Mama, pingarap ko ding magkaroon ng isang kapatid na mamahalin ko higit pa sa buhay ko. Habang pinagmamasdan ko ang mga mumunti niyang mga kamay at mga pisngi ay bigla na lamang siyang ngumiti doon ko unang nasilayan ang napakaganda niyang regalo sa akin. 

"Shine ang ipapangalan natin sa kanya mommy a?" ngumiti si Mama at sinabing 'yon nga ang ipapangalan namin sa kanya. 

Hindi alintana kung may kakulangan man si Shine bilang tao pero di naman siya nagkulang bilang siya at bilang kapatid ko. Kinokompleto niya ang araw ko dahil umaga hanggang gabi hindi siya nakakalimot na lambingin ako. Ipinangako kong aalagaan ko siya kahit wala na ang magulan namin. Makakaya kong kayanin ang lahat ng problema sa buhay dahil pag-uwi ko ay hahawiin naman lahat iyon ni Shine. 

"Ate, paglaki ko? I wanna be like you! Dahil sobrang strong mo po, at mahal na mahal niyo ako kaya lagi kong pinagpepray kay Papa Jesus to protect you from all the bad guys. I love you ate! I'll always be so proud of you at lagi mo pong tatandaan na I am very lucky to have you in my life. I love you so much ate!" 

(tunog ng wala ng heartbeat)

"Time of death , 10:43 pm.." narinig kong sabi ng doktor habang ang iba ay tinakloban na nila ang katawan ng kapatid ko. Hindi ako makapaniwalang sa isang iglap ay nawala si Shine, lumalaban pa siya kanina pero hindi na nila ito nagawang irevive. 

"I am sorry, Ms. Costovo.." mga salitang binitiwan ng doktor habang tinatanggal niya ang kanyang mask at mga gloves. 

Wala akong maisagot, ang bagal lahat ng galaw ng mundo. Gusto kong isipin na isang panaginip lamang ito. Gigising ako at wawakasan ko na ang di kapa-paniwalang pagsubok na ito pero hindi, humihinga ako at buhay na buhay ako. Nagsimulang pumatak muli ang mga luhang kanina pa naman kumakawala. Pumasok ako sa loob at dahan-dahang lumapit sa kapatid ko, hinawakan ko ang mukha niya pero malamig na 'to. 

"Baby? Dito na si ate, uwi na tayo. Ipagluluto pa kita ng favorite sopas mo" napaluhod ako dahil ayaw ng sumagot ng kapatid ko at unti-unti akong pinapatay sa sakit. Dumating ang mga nurse at sinabing dadalhin na sa morgue si Shine. 

"No! Please! Huwag niyong kunin ang kapatid ko! Give me enough time, please!" humahagulgol kong iyak sa kanila habang hawak hawak ko pa rin ang mga kamay ni Shine. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit, dahil hindi ko kayang mawala siya sa akin. 

Dumating sila Sue, Brett kasama sila Matthew at Georgina. Hinawakan nila ako sa mga braso ko para ilayo kay Shine. Sa sobrang galit ko nahampas ko sa katawan si Brett pero hindi niya alintana ang sakit. Nang makita kong sinisimulan na nilang ilabas si Shine ay mas lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ko. 

"Huwag ninyong kunin ang kapatid ko! Shine, gising ka na please? Hindi kaya ni ate ng wala ka! Sino na lang paghuhugutan ko ng lakas Shine, bakit? Bakit ka nila dinamay?! Shine! bangon ka na please!" halos mawalan na ako ng boses sa kakasigaw sa pangalan ni Shine pero hindi pa rin mababago ang katotohanang wala na siya. Napaupo ako sa paanan ni Brett habang wala na akong mailuha sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Iniupo ako ni Brett sa waiting area habang inaasikaso nila Sue ang hospital bills, tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa chapel ng hospital. 

"I believe that everything happened for a reason, pero hindi pa po ako nakaka-move on sa pagkamatay ng mga magulang ko, tapos si Shine naman. Panginoon ko, kunin niyo na lang din po ako! Wala na akong purpose sa mundong 'to. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay..." 

Ibinuhos ko sa harap niya ang lahat ng sakit, poot, galit, lungkot na nararamdaman ko ngayon dahil alam kong siya ang makakaintindi at makakarinig ng bawat luha at lungkot ng puso ko. Hindi ko alam paano ako magsisimula dahil wala na akong lakas, kung may iba pang hamon akong haharapin ay susuko na lamang ako dahil hindi ko na kaya. 

Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon