Chapter 5

8.5K 196 13
                                    

"How come that I rented you?" Bulong ko sa kanya para hindi marinig ni Matthew ang mga plano kong gawin. Ngumiti siya at bumulong pabalik sa akin.


"Paano ko naman malalaman? Sumusunod lang ako sa binigay na instruction ng agency. Ikaw si Ziah Alfonso-Costavo?" Nilaksan niya ang pangalan ko kaya naman napatalon ako at pinasakan siya ng tissue sa bunganga. Kaya naman ginamit ko na ang acting skills ko para hindi makahalata si Matthew.


"Babe! You didn't tell me that you'll be here so early? Are you okay?" Tanong ko sa kanya habang patingin-tingin sa magiging reaksyon ni Matthew. Nakita ko naman kung gaano nagbago ang expression ng mukha niya at dahan-dahan na siyang lumapit sa amin.


"Babe? May boyfriend ka na, Ziah? Impossible!" Natatawa at gulat na gulat na tanong ni Matthew. Lumapit naman ako sa kanya at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Ayoko kasi sa lahat yong tipong masyadong malaki ang tiwala sa sarili na para bang sobrang galing niya at walang kapintasan sa pagmumukha. Magsasalita na sana ako pero hinawakan niya ako sa kamay at siya ang humarap kay Matthew.


"I don't think you are in the right place to insult my girlfriend. Let's go back inside, babe."


Masyado akong na-overwhelm sa acting skills nitong rented gentleman ko "daw"  kaya naman hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya habang buhat-buhat niya si Shine papasok ng building ganoon din sila Sue at Brett ng reaksyon ng malamang may rented gentleman ako. Bigla naman siyang huminto at humarap sa akin at tumitig, at nagpatuloy muli siyang maglakad hanggang sa elevator. Yong totoo? Gusto niya bang magpa-discover?


Pinindot naman kaagad ni Sue ang number ng floor ng kung nasaan ang office ko at saka naman siya ngumiti. Nauna muling pumasok itong lalaking to na para bang may talagang nag-uugnay sa aming dalawa. Habang nasa elevator kaming lahat walang gustong bumasag ng katahimikan ultimo si Shine nakatahimik na nakatingin lang sa amin.


Pagdating namin sa office pinabantayan ko ulit si Shine kay Brett at kinausap siyang mabuti.


"Brett? Tao tong babantayan mo hindi hayop okay? Ayoko ng maulit muli yong nangyari kanina. Maghahanap ka na ulit ng ibang work pag nagkaganon." Inirapan ko siya at dumiretso sa loob ng opisina ko, pero huminto ako ng makita ko si Sue na pasilip-silip sa pintuan.


"Please explain to me what you are doing? Mag-uusap pa tayo Sue ah?!" Nagmamaldita kong tanong sa kanya. Bigla naman siyang napayuko at tumahimik na lang bigla.


"Parehas kayo ni Brett na mawawalan ng trabaho sa ginagawa niyo. Wag kang magpapasok ng kahit sinong tao unless I told you so." Pumasok ako at isinara ang pintuan.


Nakita kong nakatingin sa bintana ang lalaking nagsasabing nirentahan ko daw. Napatingin siya sa akin ng maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya. Itinuro ko ang upuan para paupuin siya dahil naiirita akong makita siyang nakatayo at nagmamasidsid sa opisina ko.


"So tell me? Hindi ba baka nagkakamali ka lang ng napuntahan? Cause I am 100% sure that I didn't rent a guy."


Natawa siya sa sinabi ko at pumangalumbaba sa harap ko. Binigay niya ang isang nakatuping papel at sumandal ulit sa kinauupuan niya. Binuksan ko iyon at nakita ko ang application form na nagpapatunay na nag-rent nga ako sa agency na nagngangalang "rent a gentleman" . Sigurado talaga ako na hindi ako nag fill-up ng form or any forms sa online site. Hindi kaya si Sue? 


"I can leave this room if you say so. Nandito lang naman ako dahil ginagawa ko lang ang trabaho ko" tumayo siya at dahang-dahan naglakad malapit sa pintuan pero bigla naman siyang huminto. "Just be sure na malilinis mo ang pangalan ko sa ex-boyfriend mo" dagdag niya at saka niya binuksan ang pintuan pero sa hindi ko malamang dahilan ay nakapagbitaw ako ng mga salitang hindi ko sana dapat pagsisihan. 


"Let's make a deal" Huminto siya at napatingin sa akin. Kung hindi lang mataas ang pride ko at wala akong pinaglalaban hindi ko gagawin ang bagay na ito. Pag naiisip ko tuloy si Georgina ay kumukulo agad ang dugo ko kumbaga na sa boiling point agad ako. Bumalik ulit siya sa kinauupuan niya at ngumiti sa akin. 


"Okay, give me your plans" seryoso niyang sabi sa'kin at tumitig. Napansin kong ang hilig niyang tumitig. 


"Titignan ko ang performance mo this coming sunday. You'll going to pretend as my boyfriend that's it! Wag na wag kang gagawa ng mga bagay na hindi ko alam, dahil lagi mong tatandaan na babayaran kita" ngumiti siya at tumungo sa'kin doon bigla na lamang nawala sa isip ko ang mga bagay-bagay na dapat kong ipaliwanag sa kanya dahil lang sa bigla niyang pagkakatitig sa'kin. Nang maisip ko na ang sasabihin ko ay bigla na lamang may kumatok sa pintuan pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita ko. 


"Pro ka na ba sa ganitong larangan?" Nakataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. 


"Nope. This is my first time" First time niya? Paano nangyari  yon?


"What do I need to prepare for Sunday?" Napataas din ang kilay niya sa pagsagot sa'kin. 


"Here's the lists you need to know about me, what I like, what I don't like about things and especially about people. May perang nakalagay sa sobre gamitin mo yan sa pambili ng damit na magmumukha kang iba sa lahat and by the way? you can use my car, para mas mapaniwala silang napaibig mo ang isang Costavo" Natawa siya sa'kin pagkatapos kong sabihin ang lahat ng mga bagay na nais kong sabihin. Napakunot ako ng noo at napangisi sa kanya. 


"Don't worry I have my own car" Ang yabang naman nito. 


"By the way my name is Austin Reyes"


"Nice meeting you, Austin. Wala ka bang kailangang sabihin tungkol sa sarili mo para naman hindi ako magmumukhang tanga sa sunday?" Nakangiti kong tanong sa kanya dahil hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ako sa pagkatao niya. Tumayo siya at nag-ayos ng damit niya kaya naman tumayo na din ako dahil baka hanggang dito na lang muna itong usapan na ito. 


"You'll know me better on sunday. I'll go ahead" 


Tumungo siya at nagsimulang maglakad, nakasunod naman ako sa kanya habang naglalakd siya papuntang pintuan pero nagulat  kaming dalawa ng bumukas ang pintuan at makita si Matthew. Ano na naman bang problema ng taong to?  Lumapit sa akin si Matthew lumuhod siya at nagmakaawang ibalik ang nakaraan pero bigla na lamang akong hinila ni Austin at hindi tinanggal sa tabi niya. Tumayo naman agad si Matthew na may galit sa mukha niya. 


"Tandaan mo ito Ziah, hindi ka na makakahanap ng katulad ko. Tignan ko lang hanggang saan aabot tong mukhang kalye mong boyfriend." lumabas siya ng kwarto at binalibag ang pintuan. Masyadong nakaka-offend ang sinabi niya kaya hindi ko inaasahang magiging kalmado lang itong si Austin at pinalipas na lamang ang nangyari. Humarap siya sa akin at hinawakan niya ako sa balikat. 


"You don't deserve that kind of jerk. I'll see you on Sunday."


Who are you Austin Reyes?  


Ang nag-iisang tanong na bumabagabag sa akin ngayon. 



Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon