ONE MONTH LATER
Naipakilala ko na rin si Austin sa Board of Directors at naging maganda naman ang resulta ng lahat. Nagustuhan naman din nila ang mga plano ni Austin para sa kumpanya, nagbigay din siya ng assurance na hinding-hindi nito bibiguin ang lahat ng naniniwala sa kanya.
Lately, hindi nagiging maganda ang pakiramdam ko. I am usually energetic lalo na pagpapasok na kami sa opisina ni Austin pero this past few days parang sobrang naiirita ako sa lahat, even kay Austin.
Habang na sa loob ako ng opisina at nakatulala biglang pumasok si Sue na may dala-dalang bouquet of flowers at para akong nahilo at bumabaliktad ang sikmura ko pero hindi ko 'yon pinahalata na I'm having a bad day and she's ruining my day.
"Happy Birthday!" bati ni Sue. Really? Today is my birthday?
"Are you okay? Bakit parang namumutla ka?" Am I?
Inabot niya sa akin ang bulaklak pero pinalagay ko na lamang 'yon sa sofa. Hindi ko siya sinagot at umismid lamang ako. Inaya ako ni Sue na pumunta sa main hall dahil mayroon daw ngayong meet and greet ng mga fans nila Nadine at James. Kahit masama na ang pakiramdam ko ay nagpatuloy pa rin ako at sumunod pa rin ako kay Sue.
"Madam? Okay ka lang ba? Parang this past few days, ang haggard mo?" Totoo ba?!
Agad naman akong tumingin sa salamin at inayos ang itsura ko, ayokong makita akong haggard ni Austin dahil baka mamaya ay magsawa ito sa akin.
"Pero kahit ang haggard mo, sobrang ganda mo pa din.."
Napahinto ako sa pag-aayos ng dugtungan ni Sue ang sinasabi niya.
"Akala ko ba sa isang mall magkakaroon ng meet and greet sila Nadine at James?"
Pero hindi na ako sinagot ni Sue, paglabas ng elevator ay bigla bigla na lamang itong tumakbo at dumiretso sa main hall. Pero dahil napapagod ako kahit hindi naman ay naglakad lang ako ng natural.
Nakita kong sarado ang main hall at hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis, pero hindi ko naman mapigilang ngumiti at bumati pabalik pag binabati ako ng mga empleyado ko.
Pagpasok ko sa main hall ay walang ilaw. Mukhang pinaglalaruan na naman nila ako.
Lalabas na sana ako ng biglang bumukas ang mga ilaw at may mga sumigaw ng Happy Birthday. Pag tingin ko ay una ko ng nakita si Austin na may hawak na karatulang Happy Birthday my beautiful wife. At saka sila nagpaputok ng confetti. Okay na sana ang lahat pero may naamoy akong nagpabaliktad na naman ng sikmura ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong maduwal.
Tumakbo ako sa kalapit na comfort room at doon dumuwal ng dumuwal.
"It's killing me! Oh my.." paulit-ulit kong sabi habang hindi pa ako natatapos dumuwal. Nagulat naman ako ng biglang buksan ni Austin ang pintuan.
"Babe? What happened?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Hindi ako makasagot sa kanya dahil amoy niya pala ang naamoy ko kanina. At bumaliktad nanaman ang sikmura ko.
"OMG!" sigaw ni Sue. Napatingin naman ako sa kanya at ganoon din si Austin.
"What? Why?!" natatakot kong tanong.
"Madam? Nahihilo ka ba? Tapos naduduwal? Kailan mo pa yan nararamdaman?" nanlalaki ang mga mata ni Sue habang isa-isa niya iyon itinatanong. Napaisip naman ako kung kailan ko nga ba ito unang naramdaman. Last week ba? Kahapon? I don't know!
Dahan-dahan naman akong tumayo dahil mukha na akong tanga na nakasalampak sa sahig ng cubicle pero bigla na lamang nagblanko ang paningin ko.
HOSPITAL
BINABASA MO ANG
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)
ChickLitWritten by: @mikimiloves01 A NEW LOVE STORY OF RENT A GENTLEMAN. © 2016 MIKI VILLAROSA ALL RIGHTS RESERVED. Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.