Tumakbo ako para habulin si Atty. Delgado para itanong ang iba pa niyang nalalaman pero bukod sa hindi ko na siya naabutan nagawa pa akong barilin ng kasamahan niya. Sumigaw naman ito at sinabing hindi dapat ako sinaktan, gusto ko pa sanang humabol pero hindi ko na kaya at dahan-dahan na akong naghina dahil sa mga tama ko sa katawan.
Naisip ko si Shine at Ziah, gusto kong bumalik sa kanila para malaman kung ayos lang ba sila dahil ang huli kong nakita ay binaril ni Atty. Delgado si Shine. Pero nangingibabaw ang galit ko sa magulang ni Ziah at wala akong magawa kundi ang kalimutan sila. Pero bago pa man ako mawalan ng malay tumawag ako sa 911 para i-report ang nangyaring insidente at sana ay hindi pa huli ang lahat.
Nagising na lamang ako ng may tila anghel na nakatitig sa akin at akala ko na sa langit na ako. Bigla siyang ngumiti at sinabing 'Salamat sa diyos at buhay ka' at napag-alaman kong siya ang nakakita sa akin na nakahandusay sa daan habang nag-aagaw buhay. Napag-alaman ko ding siya ang anak ng may-ari ng isa sa mga sikat na TV Networks sa bansa at naisip kong makakatulong siya sa akin para mapabagsak ko si Ziah at ang kumpanya niya. Siya si Casandra San Luis-Delmonico.
Tinulungan niya akong maka-recover at bilang kapalit ay pakakasalan ko siya para matulungan siyang maibigay sa kanya ang kumpanya. Sumang-ayon ako at nagpatuloy akong magpagaling sa states at doon ay mag-aral muli para madagdagan ang aking mga nalalaman.
"We're on our way dad," nakangiting sagot niya sa daddy niya habang nakatingin sa akin. It's been a year ng makatapak ako muli sa manila at nakakamiss rin pala. Nakahawak siya ng mahigpit sa akin habang kausap ang daddy niya. Gusto ko sanang dumaan sa ZAC Network para magmasid pero hindi ako makatakas sa kanya.
Kinita namin ang daddy niya katulad ng napag-usapan naming dalawa kailangan niyang makuha ang katungkulan sa kumpanya nila. Naging malapit ako sa daddy niya dahil marunong akong magpaikot ng tao. Yes, natutunan ko yan sa mga taong walang ginawa kung hindi ang gamitin ang kakayanan ko bilang tao.
"Good to see you, hijo! How's your flight?" nakangiting bati nito sa akin. Nag make-face naman ang anak niya dahil ako agad ang pinansin nito, hinawakan ko ang mga kamay nito habang nakaharap sa daddy niya.
"Okay naman po President Delmonico medyo may jetlog lang po ako, kumusta po kayo?" nakangiti kong sagot pabalik sa kanya. Ngumiti siya at tinapik-tapik ako sabalikat.
"I want to talk to you in private," at dumiretso siya sa kanyang opisina.
"Pagkakataon na natin 'to baka importante ang nais sabihin ni Daddy sa'yo, go ahead, I'll wait for you here.." Nakangiting paalala ni Casandra. Tumungo naman ako at sumunod sa kanyang daddy papasok sa kanyang opisina. Pinaupo ako nito at binigyan ng tsaa.
"I wanted to talk to you for some important matters.,"
"Go ahead sir,"
"ZAC Network will be having a huge event tomorrow na paniguradong babagsak na naman ang ratings ng Moonlight Network, I want you to do something for me, simple lang naman," seryoso niyang paliwanag sa akin. Nakatitig ako ng matagal at hinintay ang sasabihin niya.
"Gusto ko lang mangalap ka ng informations, I want you to keep an eye to this very important woman of ZAC Network, I bet you know her?"
Kilalang kilala..
"Ziah Alfonso-Costovo?" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Yes! So I hope you can do this well and give me some feedback tomorrow,"
"Yes Sir!"
Lumabas ako ng nakangiti dahil sa misyon na gagawin ko bukas, nakita ko namang naghihintay si Casandra sa labas ng opisina ng daddy niya kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Nagulat naman ito at natawa sa ginawa ko. Kung ikukumpara si Casandra kay Ziah di hamak na mas maganda si Ziah sa kanya, pero mas mabait naman ito kumpara kay Ziah.
BINABASA MO ANG
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)
ChickLitWritten by: @mikimiloves01 A NEW LOVE STORY OF RENT A GENTLEMAN. © 2016 MIKI VILLAROSA ALL RIGHTS RESERVED. Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.