Chapter 29

6.8K 114 17
                                    

I recommend to play the music in the upper part, para mas ramdam niyo ang pangyayari. Maraming salamat! :)

Please, after niyong mabasa ang chapter na ito, let me know your thoughts! 

~M


~


Dahil magpapasko, nagsimula na kaming mag-isip ng panibagong christmas station id ng network na iaalay sa mga masugid na tagasubaybay nito. Bukod sa busy ako sa pag-aalaga ng sarili ko dahil sa pagbubuntis ko, naging busy din ang lahat para sa proyektong ito at kasama na doon si Casandra.

Dumaan ang ilang linggo na wala naman siyang ginagawang hakbang para sa aming mag-asawa pero si Austin ay hindi tumitigil para matapos na ang kahibangan nang kanyang ama. Naging kampante ako na hindi magkakaroon ng kahit anong balakid sa gitna namin ni Casandra.

"Have you look the propose dinner that Casandra wanted?"

"Really? A dinner? Not yet. Kagagaling ko lang sa OB ko so I haven't look or read the proposal, can you handle me that? Please?" utos ko kay Sue. Kinuha niya naman ang proposal ni Casandra at binigay sa akin.

Nais niyang magkaroon ng dinner as a treat to everyone on the boards, dahil sa maayos na pagkakaumpisa niya sa kumpanya.

"I think wala naman masama, ipaayos mo na lang yong main hall, or what so ever na gusto niyang venue for her treat," mahinahon kong utos kay Sue. 

Pero nakatayo lang si Sue at hinihintay niyang mapansin kong ayaw niyang sumunod, napatingin ako sa kanya at nagtitigan kaming dalawa. Alam kong nag-aalala siya at hindi siya mapakali pag si Casandra ang pinag-uusapan naming dalawa. Sue is like my sister kaya naman masaya akong lagi ko siyang na sa tabi. 

Napangiti ako at hinila siya sa tabi ko, napanguso na lamang siya at sinabing iniisip lamang niya ang kapakanan ko at nang magiging anak ko. Nagpaalam na siya dahil magkakaroon sila ng deleberation about sa paggawa ng bagong station id. Sa paglabas niya ay siya namang pagpasok ni Austin hindi ko alam kung bakit bigla na lamang niya akong niyakap. 

"What happen?" usisa ko sa kanya habang nakayakap siya sa akin. 

"Wala naman, I just missed you and our baby.." malambing na sagot ni Austin sa akin. Niyakap ko naman siya pabalik dahil sobrang namimiss ko na din siya, alam kong busy siya sa paghahanap ng hustisya sa aming mga nawalang pamilya at sa kumpanya. 

"Kumusta yong nilalakad mo?" tanong ko sa kanya. 

"Okay naman, naghihintay na lang nang tamang signal sa kanila." Nakangiting sagot niya sa akin. Niyaya niya naman akong lumabas muna nang opisina at maglakad-lakad para makapagpahinga naman daw ang isip ko sa kakaisip sa mga nangyayari sa kumpanya. 

Pumunta kami sa may malapit na mall para maglakad-lakad, pag naiisip ko kung gaano kaiba ang buhay na tinatahak ko kasama si Austin sa buhay na nag-umpisa ako, masasabi kong ibang iba na ito ngayon. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon