Chapter 14

7.3K 151 4
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hi mga be! Eto na po :D Di ko na nagawa ang mga dapat kong gawin dahil mahal ko kayo, kaya mag-uupdate ako. :) Pipilitin ko ng tapusin ang Book 2! :) Para masimulan ko ng gawin si CARL at madugtungan ko na din ang MY PRECIOUS GEM. Love you mga be! Please let me know kung anong say niyo by commenting, okay? Mas gusto ko 'yon maglileave kayo ng comments niyo. Hihihi. 

Osiya! Enjoy! :)


'

Pagdating namin sa bahay mabilis namang binuksan ni Austin ang pintuan at isa 'yon sa nakakagulat na nakita ko. Pero mas inisip ko si Shine kaya naman tumakbo ako papunta sa kuwarto niya pero wala siya doon. Hinanap naman ni Austin sa likod bahay, sa may pool area and garden area pero wala sila doon at kahit sila Aling Lorna, wala. Napaupo na lamang ako at paulit-ulit na iniisip si Shine. Bigla na lamang may tumulong mga luha sa mga mata ko ng di ko namamalayan at sinalo 'yon mismo ng mga kamay ni Austin. 

"Si Shine ang pinaka mahalagang taong natitira sa buhay ko, di ko kakayanin kung may mangyari mang hindi maganda sa kanya," kumuha ng panyo si Austin at ipinunas sa mga luhang patuloy na bumabagsak mula sa mata ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Si Shine ang pinaka mahalagang taong natitira sa buhay ko, di ko kakayanin kung may mangyari mang hindi maganda sa kanya," kumuha ng panyo si Austin at ipinunas sa mga luhang patuloy na bumabagsak mula sa mata ko. Nakarinig kami ng kaluskos sa gate kaya bigla akong napatayo at pumunta sa labas.

"Ate?" nakangiting bati ni Shine sa akin. Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit. Niyakap naman din ako pabalik ni Shine at hinalikan ako ng paulit-ulit sa mukha. Ganyan siya kasweet kaya walang dahilan para hindi mo siya mahalin ng sobra-sobra pa sa buhay mo. Matapos niya akong halikan ay tumakbo naman siya papunta kay Austin at kinarga naman siya nito. Nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong safe si Shine, humingi naman ng tawad sila Aling Lorna dahil nagyaya daw si Shine na magpunta sa park. 

"Pero bakit hindi ko kayo ma-contact? sira ba ang phone?" tanong ko ng mahinahon sa kanya. Bigla namang napahawak sa bibig niya si Aling Lorna. 

"Madam, hindi ko alam kung bakit pero lahat ng linya ng telepono putol. Hindi pa naman ako nagpapatawag ng gagawa dahil hindi naman sira ang mga telepono sa bahay ninyo. Pasensya na po kung nag-alala kayo kay Shine, dapat po pala tumawag ako sa inyo agad." Paliwanag ni Aling Lorna, hindi ko naman na magawang magalit dahil mas mahalaga na ayos lang ang kaptid ko. Tinignan ko muli sila Austin at Shine, masaya silang naglalaro at halatang gustong-gusto ni Shine si Austin. Nang makita ako ni Austin na nakatingin sa kanila nagpaalam ito kay Shine at lumapit sa akin. 

"Aling Lorna, doon na muna po kayo ni Shine sa kuwarto niya.." agad namang kinarga ni Aling Lorna si Shine at pumasok sa loob ng bahay. Naglakad ako papuntang playground ni Shine at umupo sa swing at ganoon din si Austin. 

"When our parents died, ang unang tumakbo sa isip ko ay paano ko gagampanan ang lahat ng mga naiwan nila. Kung paano ako magiging katanggap-tanggap sa paningin ng iba bilang tagapagmana ng lahat ng karangyaan ng magulang ko. Pero mas inisip ko kung paano ko palalakihin at poprotekhan mag-isa si Shine," malungkot kong kuwento kay Austin habang nakatingin sa kalangitan. 

Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon