Chapter 19

6.8K 149 13
                                    

Casandra help me out preparing my outfit for the said event of ZAC Network. Ang akala niya kasi ay isa lamang itong misyon na kailangang gawin dahil sa daddy niya, but I have another agenda for this. Iniabot niya ang suit at saka niya ako tinulungang isuot ito. Wife material si Casandra but I don't see myself on her, I had been empty since last year and I know that Ziah will always be the one who got that part.

"Baby, mag-iingat ka sa pupuntahan mo a? Let me know anything okay? Update me.." nakangiting paalala ni Casandra sa akin, ngumiti lang ako at hinalikan siya sa noo. Kinuha ko ang relo at sinuot 'yon. Matagal akong nakatitig sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko, iniisip kong nauubusan na ako ng oras para sa mga dapat kong gawin.

Naramdaman ko naman ang mahigpit na yakap ni Casandra na nagmula sa likuran ko, tinignan ko siya habang ginagawa niya 'yon. Kaya naman humarap ako sa kanya at niyakap ko siya pabalik.

"Thank you for everything, wala ako ngayon kung hindi siguro sa tulong mo.." tumingin siya sa akin at bumitaw sa pagkakayakap sa akin at ngumiti. Binigay niya ang bag at umupo sa may sala. 

"I know you've been through a lot. From the moment I saw you sa highway there is something inside of me that I can't explain. Although we started from a plan that I made, you had a very special part in my heart, lagi mo sanang tandaan 'yan.," Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya kaya sinuklian ko na lamang ng isang mhigpit na yakap 'yon at halik sa noo. Kinuha ko ang cap ko at nagpaalam na sa kanya. 

Habang papalabas ako ng bahay naroon lang siya sa pinto habang tinatanaw ako sa pag alis. Ngumiti akong muli at kumaway sa kanya. Nakita ko namang nag-aabang na si Brandon sa labas ng gate kumaway ito nang makita ako. Sa loob ng sasakyan ay binigay niya ang isang envelope na naglalaman daw ng flight details ni Ziah, binuksan ko 'yon at binasa. 

"She's been making name outside of the country kaya I'm sure kaya pinili niya na gabi dumating para maiwasan ang mga press na makita siya or mainterview.," dagdag ni Brandon. Tumungo ako at nagpatuloy na nagbasa ng mga na sa loob ng envelope. Binigay naman ni Brandon ang isang maskara, nagtaka naman ako kung bakit. 

"Sir, masquerade po ang theme ng events and all the waiters are not allowed na tanggalin 'yan so naisip kong mas makakatulong kung magpanggap po kayong waiter para mas magawa niyo ang iniuutos ni President Delmonico.," 

"Brilliant idea, Brandon! Thanks. Anyway, let's go para naman makapag-ready pa ako."  

Nagtungo kami sa venue ng magiging event nila Ziah, pero dahil nga nandito tayo sa Pilipinas hindi mo maiiwasang hindi matraffic ng ilang munito o oras kaya late na kami nakarating sa venue. Pinasuot sa akin ni Brandon ang maskara para walang makakilala sa akin na taga ZAC Network. Nauna na akong bumaba at iniwan na ako ni Brandon sa harap ng venue. Sa paglalakad ko nakita ko si Sue habang kasunod ang driver ni Ziah na si Brett. Napahinto ako at hindi nagpahalata sa kanila, pumunta ako sa comfort room para magpalit ng damit pero bigla akong nakarinig ng dalawang lalaking nag-uusap.

"You have to be sure na makukuha mo ang atensyon niya, Leo. Or else? You know what can happen to you. For sure mapapauwi ng di oras si boss sa'yo.,"

Ayoko sanang makinig pero na-hook ako ng biglang banggitin ang pangalan ni Ziah.

"I've been dying to get that woman! Kung di lang talaga siya umalis ng bansa malamang naman akin na siya ngayon. Balita ko, sobrang ganda niya daw ngayon, kung baga maganda na siya noon, mas maganda siya ngayon.,"

In your dreams, mga salitang gusto ko sanang sabihin sa kanila. 

"Nagmahal, nasaktan, gumanda ganon pare!"

At nagtawanan silang dalawa sa mga kalokohan nila. Isa na naman sila sa mga lalaking may malalim na pagnanasa at paghanga kay Ziah. Hindi ko na sila inintindi at nagpatuloy na nagbihis. Pag labas ko ng cubicle nandoon pa rin sila at nagulat sa paglabas ko pero dire-diretso lang ako sa paglabas ng comfort room. Sinuot ko ang maskara at pumunta na sa loob ng venue, inikot ko 'yon para hanapin sila Sue at Brett pero di ko sila mahagilap sa loob pero bigla na lamang may humatak sa akin. 

"What the f*ck," nasambit ko dahil sa pagkagulat. At laking gulat ko na si Brett at Sue ang na sa harap ko. Kaya di ako masyadong nagpahalata na kilala ko sila. 

"Name your price, wala na kaming mahanap na puwedeng pumalit sa hinayupak na ng scam sa amin. Kaya name your price, bilisan mo.." nagmamadaling sabi ni Sue habang nagmamatyag sa paligid namin at mahigpit naman akong hawak ni Brett sa kamay. 

"For what?" mas lalong nainis si Sue kaya kinurot ng madiin si Brett sa tagiliran. 

"Kasalanan mo 'to, Brett. Pag tayo nabuko ni Madam Z dahil walang eescort sa kanya the whole event, humanda ka sa akin!" bulong ni Sue kay Brett habang nakatingin sa mga mata ko. 

"Kaya nga heto na diba? brasuhan na ?!" 

"I can file a case sa ginagawa niyo," nagulat sila at biglang tumayo ng maayos. 

"But I can help you with that. but i don't need your money," dagdag ko. 

"Get off your mask, I need to see your face.." Bigla naman akong kinabahan dahil sa pinagagawa ni Sue sa akin. Hindi ko tuloy malaman ang gagawin ko, kung tatanggalin ko ba o hindi. Pero buti na lamang ay nailigtas ako ng mga nagtatakbuhang reporters papalabas ng venue.,

"F*ck! Brett! Andyan na si Madam! Pag bumukas ang pintuan na walang aalalay sa kanya, patay tayo!" namumula sa kaba si Sue at di naman mapakali si Brett. Katulad nila bigla din akong kinabahan at hindi malaman ang nararamdaman. Nandito na si Ziah, nandito na ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Ang babaeng anak ng mga pumatay sa tatay ko. Si Ziah, nandito na. 

"I told you, I can help you with this.." At wala ng sabi-sabi ay isinama na ako nila Brett papalabas ng venue at nakipagbuno para lang makalabas sa dami ng mga reporters na naghihintay sa pinakamakapangyarihang babae na nagmamay-ari ng ZAC Network. 

"Stay there, all you have to do is to assist her, please don't let happen na may makahawak sa kanyang mga reporters or masaktan siya. Just protect her whenever, wherever you can..," Seryosong paalala ni Sue sa akin at iniwan na ako para salubungin ang sasakyan. Habang papalapit ang sasakyan, ganoon din kabilis ang pagtibok ng puso ko, napahawak ako sa dibdib ko kung puwede nga lang itong pigilan. At nakadagdag pa ng kaba sa dibdib ko ang pagpapatugtog nila ng malakas sa kantang 'She'

Sa paghinto ng sasakyan, unti-unti ring bumagal ang galaw ng mundo. Tanging pintig ng puso ko at pagbukas ng pintuan ang tanging naririnig ko. Ang una kong nasilayan ang kanyang napakagandang sapatos, sumunod ang mahabang gown na sumayad sa mga lupa, mga kamay na humaplos sa pintuan ng sasakyan. At dahan-dahang lumabas ang babaeng pinakahinahangaan ng lahat, pinaka makapangyarihan sa industriyang ito, 

Si Ziah Alfonso-Costavo ay na sa harapan ko na ngayon

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



~

AUTHOR'S NOTE: 

Okay dahil sa ayokong mawalan ng readers ang book na ito, pipilitin kong mag-update araw-araw! :D Chos! Sinipag lang ako kasi friday today at walang magawa sa office. Paramdam pa ng mga masasarap ng comments! Gusto ko kayong maramdaman para mas sipagan ko pa. :) 

~M

Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon