"Anak?"
"Ma..mama?" may mga luhang bumabagsak sa mga mata ni Mama. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang siya nakitang umiiyak ng ganoon.
"Wag na wag mo kaming kakalimutan ng papa mo, hanapin mo kung sino man ang may gawa ng aksidenteng iyon. Pasensya ka na kung kailangan nating maghiwalay, lagi mong tatandaang mahal na mahal na mahal ko kayo ni Shine,"
Gusto ko pa sana siyang kausapin pero unti-unting lumabo ang imahe ni Mama. Hinanap ko siya pero ang tanging nakita ko lamang ay kung paano sila namatay dahil sa aksidente.
Pawis na pawis akong nagising sa isang malalim at makabuluhang panaginip. Hinahabol ko ang aking hininga at napahawak na lamang sa dibdib ko. Ngayon na lang ako ulit nanaginip tungkol kala Mama at Papa.
"Hindi ko naman kayo kinakalimutan, sadyang marami lang akong ginagawa. Wag po kayong mag-alala mahahanap ko din kung sino man ang may gawa noon sa inyo," paliwanag ko sa harap ng litrato nila Mama at Papa. Bigla ko na lamang naramdamang may mga luha na palang umaagos sa aking mga mata.
"I really missed the both of you, hindi ko alam kung kaya ko pa bang magtapang-tapangan. Tulungan niyo po akong maging malakas sa araw-araw at para kay Shine." at pinilit kong punasan ang mga luhang dumadaloy sa'king pisngi. Nagulat na lamang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at unknown number ang nakalagay.
"Hello?" malumbay kong sagot sa kabilang linya.
"Bakit parang malungkot ka? Is there something wrong?" tanong ng nasa kabilang linya. Who is this? Tumingin ako sa orasan at ala una ng madaling araw.
"Who are you?," nagtataka kong tanong. Pumunta ako sa kuwarto ni Shine para i-check siya habang di pa sumasagot ang kausap ko sa kabilang linya.
"Austin, remember?," Austin? Yah, the rented gentleman. How did he get my phone number?! Tanong sa isip kona agad niya namang sinagot, "I got yours from Sue."
"Okay, bakit napatawag ka?"
"Wala lang, hindi kasi ako makatulog. E bakit ikaw? Gising ka pa?" You're asking me like we are close.
"Just woke up from this bad dreams" Wow Ziah? You're sharing something to a guy you barely know?
"Bad dreams? Baka stress yan. Dapat umiinom ka ng tubig para marelax yong isip mo,"
Pumunta naman ako ng kusina para kumuha ng tubig katulad na lamang nang sinabi ni Austin. Pero bigla na lamang akong napahinto dahil para bang may nakatingin sa akin. Guni guni ko lang siguro. Nagpatuloy ako sa pagkuha ng inumin nang bigla akong huminto at inisip kung bakit ko ngaba sinusunod ang utos niya.
"Teka, hindi dapat ako sumusunod sayo e." mataray kong sagot sa kanya. Bigla naman siyang humagalpak ng tawa dahil sa sinabi ko. Ayokong mag-init ang ulo kaya naman kinalma ko na lang ang sarili ko at uminom ng tubig.
"Can I ask you a question? Since this is a required for both of us, right?
"Go ahead" naiirita kong payag sa paalam niya.
"Bakit kailangan ng rented gentleman ang isang Ziah Alfonso - Costavo?" Bakit nga ba kailangan ng rented gentleman ni Ziah? When she can get any hot and rich guys out there?
"Simple lang, I don't easily give my trust to anyone. I fall in renting you cause I need help," huminto ako at inisip kung tama nga bang maging komportable akong mag open-up nang mga bagay na alam kong hindi naman dapat, "I'll pay you so, you better be good in acting like how much you love me and how much you care for me."
BINABASA MO ANG
Rent A Gentleman 2 (ZIAH & AUSTIN STORY)
ChickLitWritten by: @mikimiloves01 A NEW LOVE STORY OF RENT A GENTLEMAN. © 2016 MIKI VILLAROSA ALL RIGHTS RESERVED. Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.