Kabanata 2

915 37 10
                                    

Kabanata 2

Makulit


-Iya-

"Hi Miss! Anong pangalan-"

Kaagad kong nilagpasan ang Jerome Montello na iyon. Why does he needs to follow me here? Is he stupid for not realizing that he's attracting the attention of the students?

I walked fast so that he will stop bugging my peaceful life. Pupunta na ako sa cafe para sa trabaho ko. At kung hindi pa titigil ang lalaking 'yon sa pagsunod sa akin ay babaliin ko na ang leeg niya para tapos na. Tapos na ang buhay niya.

"Iya Sabrina Lorenzo!" his voice echoed in the corridor.

I stopped walking. Mariin akong napapikit at humugot kung saan ng pasensya upang hindi pa tapusin ang buhay ng lalaking ito. Hinarap ko siya. He's just standing in the middle of the corridor with a smirk on his face. I raised my eyebrows.

"What the hell do you want?" madiing tanong ko.

Kaagad naman siyang lumapit sa akin. His smirk turned into a wide smile.

"Wala lang," aniya at tumabi sa akin. "Sabi nila yun daw ang pangalan mo. Naninigurado lang ako." bahagya siyang tumawa.

Sinamaan ko siya ng tingin. Malapit na talagang mandilim ang paningin ko sa kanya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero sumunod ulit siya. I swear kapag kami napadpad sa isang madilim na lugar ay tatapusin ko na ang buhay niya.

"Saan ka pupunta? Sa Moru-Moru Cafe? Nagta-trabaho ka talaga doon?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Ano bang pakialam niya sa buhay ko?

Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga estudyanteng napapatingin sa aming dalawa. If this guy will not stop talking and following me, we'll be the content of their gossips. Baka dahil pa sa kanya ay masira ang lahat ng plano ko.

"Tigilan mo na nga ako!" tumaas ang boses ko. "Bakit ka ba buntot ng buntot ha? Aso ka ba? Do you even know me?" I glared at him. He's looking at me amusingly.

He laughed as if I said a funny joke. "You're really cute and funny. You're Iya Sabrina Lorenzo. I'll call you, Sab." ngumiti ito at ginulo ang buhok ko. Kaagad ko namang tinabing ang kanyang kamay.

Sab?

"Tigilan mo ako, Mr. Montello." I glared at him.

"Woah? Kilala mo ako? Bakit crush mo ako?"

"What the hell? You're famous that's why!"

Pakiramdam ko ay mapuputol na ang litid ko dahil sa lalaking ito. Magmula ng makita ko siya sa Moru-Moru Cafe nung isang araw kasama ng mga kaibigan niya ay lagi ko na siyang nakikita sa university na ito. For goodnesss sake, this school is so big kaya imposible kaming magkita.

"Why did you know that I'm famous? Do you like me then, Sab?" he asked.

Umirap ako. "Damn you and your stupid reasoning."

Umalis na ako. Kapag hindi ako umalis ay paniguradong mahuhuli ako. This guy will get tired eventually. I just need to ignore his existence and to continue with my life. He can sense it naman that I'm not interested to his player tactics.

Hanggang sa makarating ako sa cafe ay sumunod siya sa akin. Lumipad sa amin ang tingin ni Kuya Dustin. His eyes narrowed while looking at us. Hindi ko na iyon pinansin at mabilis akong dumiretso sa Staff Room para makapagpalit.

Pagkalabas ko sa silid ay nakita ko si Kuya Dustin na nasa isang table kasama si Jerome Montello. Mukhang close na 'yung dalawa kasi nagtatawanan na sila. Umirap na lamang ako sa kawalan at dumiretso sa counter.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon