Kabanata 19

502 24 1
                                    

Kabanata 19

Depende

-Iya-

"So you're bringing your girls here?"

Pinagsalikop ni Keith ang dalawang kamay niya habang nakapatong ang mga siko sa mesa. He grinned as he arrogantly rested his chin on the top of his fists. He's looking at me amusingly. I raised my eyebrow, tinitigan ko rin siya gaya ng pagtingin niya sa akin.

"Why? Are you jealous?" tanong niya.

Bagot akong umiling. Ang kapal din pala talaga ng mukha ng lalaking 'to! Bakit naman ako magseselos? Sarap niyang saksakin nitong kutsilyo huh!

"Hindi. Asa ka pa." umirap ako at humalukipkip. Prente akong sumandal sa inuupuan ko. "I just can't believe that you can waste your money for this kind of place... for spoiling your dates..." bagot na wika ko.

Lalong lumawak ang ngisi sa kanyang labi. "Most of my girls don't order too much, Iya. You're the only exception because you ordered a lot. Hindi ko alam na ang lakas mong kumain. Talagang mapapagastos ako sa'yo." he even chuckled.

"FYI, I'm not your girl and I will never be. Gusto ko lang talagang ubusin ang pera mo." I rolled my eyes.

"Kung gusto mo palang ubusin ang pera ko, dapat magpakasal ka sa akin. You'll have access to all my accounts. Hindi mo mauubos ang pera ko sa isang upuan lang. You'll need a lifetime to spend it..."

"Di bale na lang. I can live without you and your money."

Naiirita ako dahil sa tingin niya. He looks so amused. Para bang isa akong kamangha- manghang bagay para sa kanya. Malapit ko na talagang kunin 'yung kutsilyo at itusok sa kanya.

Naalala ko kung paano ko iniwan si Jerome para lang sumama sa kay Keith. Hindi ako nakapag-isip ng maayos kanina. Many students were there watching us. Kung hindi ako sasama kay Keith ay baka nalaman na nila ang pagkatao ko o sinumbong na niya kay Mommy kung nasaan ako. I have no choice. Gusto ko mang sumama kay Jerome, mas kailangan kong unahin 'yung isyu namin ni Keith.

"Hmm..." marahan siyang tumango. "Still, kailangan mo man ako o hindi, ikakasal pa rin tayo. We'll end up together... you'll end up with me. Sigurado ako doon."

Kinilabutan ako sa sinabi niya. If he's this persistent then it'll be hard for me to fight for my life. Siguro kung hindi namin gusto ang isa't isa ay madali lang. Pero hindi! Alam ko na may plano siya, may dahilan siya kung bakit g na g siya sa kasal na 'to.

"Sigurado din akong patay na ako ng araw na 'yun." umirap ako at uminom ng tubig.

"Why do you hate this marriage so much? Talagang lumayas ka pa para lang makatakas pero in the end heto rin naman ang gagawin mo di ba? Your family's been doing this for generation..."

Umismid ako at bagot siyang tinignan. "Hindi ako tanga para magpa-uto sa pamilya ko. I don't really care if I'll become poor as rat for not following that tradition... at least I'll die proud that I'm not stupid and weak."

So siya? Stupid siya kasi pumayag siya dito. Or maybe he's really into something. He wants power and more wealth. Kasi kung aayaw naman siya ay pwede ng matapos ang kalokohang ito.

"Gusto kong matuloy ang kasal natin, Iya..." naging seryoso ang tono niya.

"At bakit? Kung itigil mo na lang 'to? That will be better, you can date as many girls as you want pa..."

Marahan siyang umiling. Naging seryoso ang tingin niya sa akin. "No. I've dream for this ever since I met you, hindi pwedeng masira lang ang lahat. Hindi ako papayag, Iya." I can even sense threat on his tone.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon