Kabanata 18
Complicated
-Iya-
"Oh balik customer ka na ulit?" nakangising sabi ni Kuya kay Jerome.
Sinulyapan ko siya pero ng makita kong nakatingin siya sa akin ay kaagad akong nag- iwas ng tingin. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko doon sa pizza na kinakain ko.
"Yeah..." simpleng sagot niya. "But maybe I can invest here..." dagdag niya.
Humalakhak naman muli si Kuya Dustin at tinapik ang balikat niya. The other staffs were busy eating and drinking pero nakikinig pa rin sa usapan. Minsan ay nakikisama din sila sa kwentuhan samantalang ako ay abala lang sa pagkain. Sa halip kasi na pagtrabauhin nila ay isang celebration ang hinanda para sa kanya.
"Hmm. You also have a business mind like your brother?"
I looked at him again. This time he avoided my gaze. Kinuha niya ang baso ng beer sa harap niya at mabilis na nilagok. The others cheered at him while I rolled my eyes. Geez. As if naman na hindi pa alam ng mga tao dito kung ano ang lifestyle niya.
"Hindi naman," aniya at muli siyang sumulyap sa akin. "I'm just thinking that maybe we can try to invest to other venture businesses like coffee shops. Ganito ang mga negosyo na madaling maging successful kasi mabenta ito sa market."
For the nth time, I rolled my eyes again. Hindi naman sa against ako sa mga negosyante pero hindi ba pwedeng makuntento na lang? I know business world is like that and I can't do anything about it. But some businessmen may become a monster because of their thirst for more wealth and power. Hindi naman sa ayoko sa mga ganung tao pero natatakot ako sa kanila. They become selfish and greedy.
"Grabe ka naman Jerome, halatang negosyante talaga kayo..." tumawa si Mitch at mas lumapit pa kay Jerome. Halatang may tama na siya dahil kanina pa siya umiinom pero walang pumipigil sa kanya.
Pero ako? Ni isang baso ayaw nilang pahawakan.
Jerome laughed at her statement. Umirap ako ng makitang humilig na sa balikat niya si Mitch at hinayaan niya lang. Sige lang magtawanan pa kayo at maglandian. Kainis! Ang landi talaga nila. Talagang nandito pa sila sa tapat ko huh?
"So we're expecting a future monster businessman here huh?" mapait kong tanong. Tho, I don't think mararamdaman nila ang pait dun dahil lagi namang ganun ang tono ko.
"Iya..." saway sa akin ni Kuya Dustin na nasa tabi ko.
Napangiwi ako at muling umirap. "Totoo naman di ba? Maybe someday he'll become a monster too! O baka mas malala pa... ganyan naman ang ibang mga negosyante."
Matalim kong tiningnan si Jerome pero muli siyang nag-iwas ng tingin at uminom. At hindi niya pa rin inaalis sa balikat niya si Mitch ha? Ganyan siguro ang style niya para makahanap siya ng ka-chukchak niya!
"Hindi ako ganoon..." malamig na sambit niya.
"Bakit? Sinabi ko bang ganoon ka? Sabi ko magiging ganoon ka!" giit ko.
Instead na dugtungan pa niya ang sinasabi niya ay muli na naman niyang ininom ang bagong salin na alak sa baso niya. Nawala ulit 'yung tensyon ng mag-open ng topic si Kuya Dustin.
"Teka nga Iya..." sabi ni Kuya Dustin na mukhang may tama na rin. Nilingon ko siya at nakita ko na pumipikit-pikit na ang mata niya sa kalasingan. "Bakit ba single ka pa rin hanggang ngayon? Akala ko ba ayaw mong magpakasal sa iba? Pero inaantay mo pa ang mapapangasawa mo..." aniya at tumawa siya.
Nanlaki na ang mata ko sa sinabi niya. Tumingin ako sa mga tao pero bagsak na sila halos bukod kay Jerome na mukhang wala na rin sa sarili. Buti na lang at tulog na sila, dahil papabagsakin ko talaga ng sapak ko 'tong si Kuya Dustin kapag nalaman ng mga 'to ang sekreto ko.
BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty
HumorFairytale Series #2: Iya tried to leave the life that she used to have to escape from a tradition that her family follows for generations. In order for her to hide her real identity, she keeps on hiding herself from everyone, avoiding to attract the...