Kabanata 36

271 15 11
                                    

Kabanata 36

Husband

-Iya-

“I think your Kuya Dustin was right, Iya,” sabi sa akin ni Jethro habang nasa isang cafe kaming dalawa na malapit sa university para mag-aral sana para sa finals. “You really need to talk to him. Para talaga marinig mo yung side niya kahit papaano. Hindi pa naman siguro huli ang lahat maliwanagan ka sa mga dapat mong malaman, Iya.” pagpapatuloy niya.

I sighed. Alam ko naman na yun dapat ang gawin ko. I should at least talk to him and to ask him all the questions that I have in mind to clear everything. Baka kapag nasagot ang lahat ng iyon ay mas maging madali ang paglimot ko sa kanya dahil alam ko na kung ano ang totoo.

The question is, do I still have a courage to ask him those questions? Or to even face him?

“I know,” iyon na lang ang nasabi ko at pumangalumbaba sa table. “Pero paano ko siya kakausapin kung hindi ko naman na siya nakikita sa buong campus ngayon?”

“Alam mo kung gusto mo talaga siyang kausapin, ikaw na mismo ang gagawa ng paraan, Iya.”

I looked at him. “Ang supportive mo talaga ano?” I sarcastically said and rolled my eyes.

He slightly laughed at me. “’Yun naman talaga dapat ang gawin mo, Iya. Sigudo naman ako na may magagawa kang paraan para makausap mo siya kahit hindi mo siya nakikita sa university ngayon.”

I suddenly remember something that he said before about Jerome. My eyes narrowed as I looked at him. “Wait nga lang, Jethro. Di ba sinabi mo noon na member ng isang exclusive fraternity si Jerome at Keith?”

Bumaling din siya sa akin. “Yup. Sinabi lang din naman sa akin ‘yun ng mga kaibigan ko. Pero di ba sabi naman ni Sheena hindi na kasali sa fraternity na ‘yun si Jerome? Why did you suddenly asked?” he asked.

“Wala naman...” marahan akong umiling. “Naalala ko lang yung narinig ko noon sa usapan nila ni Hayley. May kinalaman doon sa bet si Heron? Hindi kaya ‘yung tinutukoy niyo na fraternity na sinalihan nila ay yung grupo nila Heron?” I confusely asked.

Jethro shrugged his shoulders. “Why? Do you know that group?” ngayon ay napatingin na siya sa akin. “You’re referring to Heron Nicholas Hontiveros, right? Di ba doon siya nag-aaral sa school niyo? Madalas ko ring naririnig ‘yung pangalan niya sa mga kaibigan ko.”

Bahagya kong inabot at pinisil ‘yung pisngi niya. “Alam mo minsan feeling ko ang chismoso mo. Ang dami mong naririnig mula sa mga kaibigan mo na mga chismis.”

“Bakit parang lagi mo na akong binabara ngayon?” tanong niya. Malawak na lang akong ngumiti sa kanya. “Wag mo ngang ipakita ‘yang eye smile mo. Hindi ako sanay. Parang hindi ikaw.”

Hinampas ko siya balikat. “Ang kapal ng mukha mo! Oo? ‘Yun ba ‘yung buong pangalan niya?” I asked as I took a small part of my blueberry cheesecake to eat.

Naalala ko ‘yung pinag-usapan nila Hayley noon sa garden nung nakita ko sila. I’m sure I really heard Heron’s name. Hindi ko naman talaga iyon kilala personally. I don’t even know if I actually saw him before but I think I heard his name a lot that’s why he’s quite familiar.

“Don’t tell me you’re not really familiar with him?”

“Oo? Naririnig ko lang talaga ‘yung pangalan niya noon…”

Bago ko pa madugtungan ang mga sasabihin ko ay bigla na lang sumulpot si Sheena kasama si Jas sa table namin ni Jethro. Hindi na ako nagtaka na after ng school fair ay naging close ‘tong dalawa na ‘to kaya heto madalas na kaming magkakasamang apat. Kahit malayo yung MD University dito ay madalas ng sumama sa amin si Jasmine.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon