Kabanata 26

335 25 8
                                    

Kabanata 26

Instagram

-Iya-

"Huy, Iya? Ayos ka lang?" Sheena asked me in a worried tone.

She suddenly pulled me away from that place. If she didn't do that, I will look like dumb in front of them kung sakaling makita nila ako. Halos nakatulala lang ako kanina at hindi alam ang gagawin. Good thing that I have a friend who's thinking rationally.

"I'm fine..." wala pa sarili kong sagot.

"Sorry, nabigla kasi ako nung makita ko sila kanina. Kasi naman, hindi talaga ako sanay na ganoon..." humina ang boses niya. "Akala ko kasi kayo, eh."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong kayo? Walang kami 'no..." wow, ouch naman, Iya.

"Mukha nga..." she shrugged her shoulders. "Hanggang landiang magkaibigan na lang ata kayo, eh. Yung akala mo kayo kung maka-asta pero friends lang pala talaga."

"Pinagsasabi nito! Tara na nga!" sambit ko at ako na ang humatak sa kanya.

Sinulyapan ko sandali 'yung mga bodyguards ko na hanggang ngayon ay nakasunod pa rin sa amin at mukhang walang kamalay-malay sa mga pangyayari.

Pagdating namin sa room kung nasaan ang music organization ay natigilan kami. They all looked serious as they discuss something. Kaya nag-stay na lang muna kami doon sa labas ng pinto pero mukhang nakita na kami ni Jethro. He waved at us then stood up to go to our direction. Napatingin naman sa akin 'yung mga kasama niya.

"Hi, Iya! Nandito ka pala," he smiled.

"Uhm, oo..."

"Binisita ka namin, galing di ba? Kasama pa namin 'yung mga julalay ni Madam Iya!"

"Oo nga," nanatili siyang nakatingin sa akin. "Gusto niyong pumasok? Pakilala ko kayo,"

Mabilis akong umiling. "Hindi na! Napadaan lang kami yayayain ka sana namin kumain sa labas after pero mukhang sobrang seryoso ng pinag-uusapan niyo. Busy ata kayo..."

He placed his hand around his nape. "Uhh, yup. Medyo may problema kasi..."

"Uy, Jet! Si Miss Iya 'yan di ba?" lumapit sa amin 'yung isang babae. "Hi! I'm Cindy!" she smiled and extended her hand in front of me. "Vice President ako ng Music Org!"

I gladly accepted her hand. "Nice meeting you, Cindy." I smiled.

"Nice meeting you, too! Sama na kayo sa meeting namin!" she offered. "Sheena dali na!"

"Hindi ba mas makakaabala lang kami? Hindi niyo naman kami ka-org,"

"Okay lang," Cindy smiled. Napakamot na lamang ng batok si Jethro.

"Fine, makulit ka talaga kahit kailan, Cinds." napailing si Sheena. "Tara na, Iya,"

Sa huli ay napasunod na lamang ako sa kanilang tatlo. Pagpasok namin doon ay nasa amin na ang atensyon nilang lahat. Parang naudlot na tuloy 'yung meeting nila. Umupo kami ni Sheena sa bandang dulo ng mahabang table. Binati pa kami ng iba pang mga officers ng Music Org. Nagpunta na ulit si Cindy at Jethro sa unahan.

"Guys, meet Sheena and Iya... I'm sure you know them naman na." ngiti ni Cindy.

I slightly smiled at them. Hindi ko mawari ang tingin ng ibang nasa akin ang atensyon. I don't know if they're shocked or amazed. Aminado naman ako na ma-attitude ako pero hindi pa rin ako makapaniwala na may mga tao akong nakilala na makakasama ko.

Ipinakilala nila sa amin ang mga taong nasa room. Wala akong matandaan halos.

I listened to their meeting. Naisip ko na nga na baka sakaling kung matutulong ako sa kanila. I am willing to help. Especially now that I'm not hiding anymore. For now, I really just want to enjoy my life without fears and worries for my future.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon