Kabanata 7

775 37 1
                                    

Kabanata 7

Comfort Zone

-Iya-

"Di ka pa ba uuwi? Pahinga ka na muna, Iya." sabi sa akin ni Kuya Dustin. Tumabi siya sa akin at tinignan kung ano 'yung tinitignan ko. "Kaya niya na 'yan, mukhang nakuha na niya 'yung mga tinuro mo sa kanya." aniya.

Nakatingin pa rin kami kay Jerome na nagpupunas ng mga mesa ngayon. 'Yung ibang mga customer din namin ay pinapanood siya. They can't believe what they're seeing right now is no other than Jerome Miguel Montello, one of the campus princes, one of the richest students of Wiesel, a famous basketball player and running for summa cum laude is cleaning the tables of a coffee shop.

Hapon na ng matapos kong turuan si Jerome sa mga ginagawa ko dito. Hindi nga ako makapaniwala na seryoso siya dito. He can just quit in an instant but he pursued learning my works here. And he just learned it fast. Matalino nga talaga siya.

"Sigurado ba siya sa ginagawa niya? Paano naman 'yung pag-aaral niya, Kuya? Try to pursue him to quit... hindi maganda ang maidudulot nito sa kanya." mahinang sambit ko.

"Nag-aalala ka sa kanya, Iya. Iba 'yan..." he teasingly said.

Inirapan ko siya at umismid. "He established his name in Wiesel, Kuya. Ayokong masira iyon ng dahil sa akin. Baka gerahin ako ng mga fangirls niya at ng mga magulang niya kapag nagkataon."

"Ows, 'yun ba talaga?" pang-aasar niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Hayaan mo muna siya dito, Iya. Dumadami ang customers natin dahil sa kanya, e."

Iyon nga din ang napansin ko. Mula kaninang magsimulang mag-trabaho dito si Jerome ay dumadami ang customers naming taga-Wiesel. Si Jerome na ang nag-assist sa kanila. Gusto ko talagang tumulong pero hindi nila ako pinapayagan.

"Paano ako su-sweldo nito, Kuya?" I asked all of a sudden.

"It depends on how he'll work. Kaya kapag pumalpak siya bawas sa sweldo mo. Pero mukhang maganda naman ang trabaho niya dito. Baka madagdagan 'yung sweldo mo."

"Ano? Paano siya? Hindi ba siya makakatanggap ng sahod?"

Marahang umiling si Kuya Dustin. "Nope. Hindi rin naman siya nagpa-sweldo. Kung tutuusin baka baon niya lang sa isang linggo ang sweldo mo dito per month, Iya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nababaliw na ba si Jerome? Bakit niya kailangang gawin 'to kung wala naman siyang mapapala? What's with him really? Worried din ako na baka may alam siya sa background ko. I think I need to ask him or his brother...

"Kuya..." naiwan sa ere ang sasabihin ko ng lumapit sa amin si Jerome.

"Hi, Sab? Nandito ka pa? Pahinga ka na muna." he smiled at me. "Enjoy your vacation..."

Sinamaan ko siya ng tingin at humalukipkip. "How can I enjoy my vacation if you're suffering here because of me? Sapalagay ko ba makakahinga ako ng maluwag kapag iniisip ko na naglalampaso ka ng sahig dito?" inirapan ko siya.

Lumawak ang ngiti niya at pumangalumbaba sa akin. "Sobrang saya ko na makita kang nag-aalala sa akin, pakiramdam ko mahalaga ako sa'yo."

Umismid ako at napansin ko ang pag-ngiti ni Kuya Dustin sa tabi ko. What the hell?

"Kayo ba ay magkaibigan talaga? Baka ibang kaibigan 'yan ha?" Kuya Dustin said in a teasing tone. I glared at him and he just laughed.

"Ang taray talaga nito."

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon