Kabanata 21

383 23 2
                                    

Kabanata 21

Midnight Date

-Iya-

"'Yun lang naman ang pinunta natin dito," hindi pa rin siya tumitigil sa pamimilit sa akin.

He wants me to join him on that ferris wheel. Ayoko. Masyado kasing mataas 'yun and I admit that I'm scared to fall. Siempre hindi ko sinabi ang rason na 'yun sa kanya at baka maiba pa ang pakahulugan niya doon.

"Ayoko." mariing sagot ko. "Kung gusto mo ikaw na lang, dito lang ako."

"Hindi ka pa ba nakakasakay sa ganito sa tanang buhay mo?" he asked me, again.

I rolled my eyes upwards. Nakakainis. Hindi pa naman kasi talaga ako nakakapunta sa mga ganitong lugar. Wala naman sa pamilya ko ang gustong pumunta sa amusement parks para mamasyal. And besides, I'm also scared of any kind of rides in this place.

I shook my head. I saw him got shocked by my answer. I glared at him especially when I saw his eyes almost judging me.

"Totoo?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"Oo nga," muli akong umirap. "Ang kulit."

Ilang sandali niya akong tinignan. He suddenly smiled and moved closer to me. I almost stepped backward because of his movements. I looked at him as he took the hood from my hoodie and gently placed it on my head. Natigilan naman ako sa ginawa niyang iyon.

"Try it, kasama mo naman ako." he said then he held my hand and entwined our fingers together. "Akong bahala sa'yo, Sab." Jerome winked.

Hindi ko alam kung bakit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. I'm not sure if this is because of the ride or maybe it's because of him. Nagpatianod na lang ako sa kanya at hinayaan siya sa gusto niyang mangyari. Though, I'm scared just by looking at the ferris wheel... kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil kay Jerome.

When I turn came, I almost recoil but Jerome stopped me. Sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko at kulang na lang ay kaladkarin niya ako papunta doon sa ride. I don't want to try it especially when I'm seeing how high it is. Halos mag-freak out ako samantalang tawa lang ng tawa ang katabi ko.

"I'm going to kill you after this, Jerome Miguel Montello." I gritted my teeth. Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang dalawa kong kamay. Halos mapatili ako ng umandar na 'to.

"It's fine, Sab. Mamaya mag-eenjoy ka rin." he's still laughing. "Kasama mo naman ako kaya hindi ka na dapat matakot." he said at pilit niyang tinatanggal 'yung kamay ko sa mata ko.

"Ayoko! Ayoko! Bwisit ka!" I sneered.

"Open your eyes, Sab. Sayang naman kung hindi mo makikita 'yung view. Ang ganda."

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nilagyan ng distansya ang mga daliri ko. I slightly gasped when I saw how fascinating the city lights are from our place. Sa huli ay unti-unti ko na rin binaba 'yung mga kamay ko at napatingin doon sa labas.

"Wow," I said in a low yet amazing tone.

Mas lumapit pa sa akin si Jerome at sabay naming pinanood 'yung city lights. I smiled when I realize that it's not that scary... the beauty of the place was enough to overcome the fear that I'm feeling. It worth the risk.

"See? Sabi ko sa'yo maganda, eh." he softly whispered. Nilingon ko siya, he genuinely smiled then he moved the strands of my hair that's slightly covering the side of my face. "Kaya dapat next time, hindi ka matakot sa ganito para hindi mo ma-miss 'yung ganito."

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon