Kabanata 12
Creeping
-Iya-
It's almost twelve midnight when finished all the works in the shop. Kumalam naman ang sikmura ko dahil sa hindi pa ako naghahapunan. Nauna ng umalis 'yung ibang staff kesa sa amin kaya tatlo lang kami nila Kuya Dustin ang naiwan.
"O paano? Bukas ulit ah?" baling sa amin ni Kuya pagkatapos nilang isara ni Jerome 'yung shop. Tumango lang kami sa kanya. Hindi naman na ako pupunta bukas dahil si Jerome pa rin 'yung nagti-take ng shift ko. Ilang linggo na lang rin naman ay matatapos na siya.
"Sure, Sir!" masiglang sabi ni Jerome.
Napairap muli ako sa kawalan. Bakit ba may energy pa rin siya? Hindi ba siya pagod? Samantalang ako ay pagod na pagod na sa dami ng ginawa namin ngayon. At ako pa talaga ang nag-prisintang maghugas ng plato? Wow, I did so much work today.
"O paano? Una na ako ah?" paalam sa amin ni Kuya Dustin. "Ingat kayo sa pag-uwi."
Pumasok na si Kuya sa sasakyan niya at sandaling kumaway sa amin bago umalis. Kaya naiwan naman kaming dalawa dito ni Jerome. Nilingon ko siya, nakamasid siya sa akin na para bang inaantay niya ang gagawin ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Di ka pa uuwi?" I asked him.
He smiled at me and shrugged his shoulders. Kumunot ang noo ko. Iginala ko ang tingin ko sa buong lugar para hanapin 'yung sasakyan niya pero hindi ko ito nakita. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Hatid na kita?" anyaya niya. Halos magkasalubong naman ang kilay ko.
"Where's your car? Paano ka uuwi?" tanong ko sa kanya.
He grinned at me and again shrugged his shoulders. What the hell?
"Magta-taxi? Coding ako ngayon, Sab..." aniya.
"What!?" singhal ko sa kanya. Halos mapaatras naman siya. "Alam mo bang delikadong mag-commute ng ganitong oras? Dapat ay sumabay ka na lang kay Kuya Dustin or at least sana umuwi ka na lang ng maaga! Saan ka ba umuuwi?" inis na wika ko sa kanya.
"Sa bahay..." napalabi siya.
I rolled my eyes upward. Alam niyang seryoso ang usapan pero nagawa pang magbiro ng gago. Iwanan ko na lang kaya siya dito at hayaang mapatay siya ng holdaper o ano. Para matapos na ang problema ko sa kanya? I think that's a better idea.
"'Wag mo akong pinipilosopo, Jerome!" may pagbabantang singhal ko.
"Okay, okay!" aniya at lumamlam ang tingin niya sa akin. "Depende. Pwedeng sa unit ko o di kaya sa bahay ng mga magulang ko... pero madalas doon ako sa bahay namin."
Bumuntong hininga ako. Naramdaman ko bigla ang pagkalam ng sikmura ko. Hindi pa nga pala ako naghahapunan. Siguro papauwiin ko muna itong si Jerome tapos ay bibili na lang ako ng pagkain sa convenience store or fast food chain na madadaan ko pauwi.
"Call your driver... meron naman siguro kayo nun di ba?"
"Magco-commute na lang ako, Sab. May kalayuan ang bahay namin dito... kaya baka lamukin na ako dito kapag inantay ko si Kuya. At ayoko na ring istorbohin si Mama..."
Tumaas ang kilay ko habang tinitignan siya. Driver niya ang pinapatawagan ko pero anong connect nun sa Mama niya? Driver nila 'yung Mama niya? What?
"Anong connect ng Mama mo sa pagsundo sa'yo?" tanong ko.
He smiled at me. Lalong kumunot ang noo ko.
"Kapag nalaman niya na magpapasundo ako ay tiyak na sasama 'yun. Iisipin niya na may ginawa akong kalokohan kaya ako magpapasundo. Mag-aalala iyon..." aniya.
BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty
HumorFairytale Series #2: Iya tried to leave the life that she used to have to escape from a tradition that her family follows for generations. In order for her to hide her real identity, she keeps on hiding herself from everyone, avoiding to attract the...