Chapter 16
No One
-Iya-
I was so dumbfounded. I don't know if I should take everything he said seriously or just let it pass away. I admit that his words greatly affect me. Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko kung bakit niya ba ito ginagawa? Pero siya lang ang makakasagot ng tanong ko.
Tahimik lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa makababa kami. Kaagad kong natanaw ang nanay ni Jerome. Beside her is a tall serious looking man wearing a semi casual clothes. I'm so sure that he's Jerome's father. He looks very familiar.
"Hayan na sila, tara na kumain na tayo ng tanghalian..."
They both smiled at us. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng pagka-ilang. I feel that they are welcoming me in their house but it feels so awkward.
"I'm Jose Richard Montello, nice meeting you hija." he genuinely smiled as he extends his hand in front of me. Sandali akong natigilan ngunit mabilis din iyong tinanggap. It really feels so awkward.
"I'm Iya po. Nice meeting you din po." I awkwardly said.
"Don't be too shy, hija. You are welcome here..."
"Tara doon na kayo sa table magkwentuhan at baka lumamig ang pagkain." sabi ni Tita at nakangiting lumapit sa amin. Bumaling siya sandali kay Jerome at hinawakan ito sa noo at leeg. "Teka anak, uminom ka na ba ng gamot?"
"Ayos na po ako, Ma."
Umiwas ako ng tingin sa kanila at sinundan na silang maglakad. Iniisip ko kung paano kung si Tita Janelle at Papa yung nagkatuluyan, siguro ay masaya sila ngayon. Bakit kaya hindi pinaglaban ni Papa ang pagmamahalan nila? Ilang taon na rin ang lumipas mula ng mawala siya, and thinking that he died regretting every decisions he made breaks my heart... hindi naging masaya si Papa.
Paano kaya kapag ako ang nagkaganun? Am I ready to face that fate?
"Hija, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ng Papa ni Jerome.
I blinked and diverted my attention to him. Bahagya akong ngumiti at tumango. I even saw Jerome looking at me curiously.
We sat on their long dining table where different kinds of foods were prepared. I feel so uneasy, pakiramdam ko ay naitakwil ko na talaga ang ganitong klaseng pamumuhay kaya hindi na ako sanay na ganito ang hapag-kainan. Nasa dulo ang tatay ni Jerome at katapat namin si Tita Janelle. Magkatabi naman kaming dalawa ni Jerome.
"Kumain na tayo, hija, 'wag kang mahiya... kung may gusto ka pa sabihin mo lang." ngumiti sa akin si Tita Janelle.
I smiled back. "Thank you po..."
"By the way, kamusta ka na pala hija?" Jerome's father broke the silence.
Napatigil ako sa pagkain at bumaling sa kanya. Is he asking about my secret? Alam nila? So kilala nila ako? Sabagay... the world of elites is small, it's impossible that they will not know me.
"Po?"
Mula sa kanyang asawa ay napatingin sa akin si Tita Janelle. She awkwardly smiled.
"Ano ka ba, baka mailang si Iya..." nanatili siyang nakangiti sa akin. "Don't worry, Iya, we understand why you're doing this. And we're also here to help you. Kaya huwag ka ng mahiya sa amin, we can also be your family." she assured me.
Natahimik ako. Parang may kung anong mainit na humaplos sa puso ko.
Family.
"Salamat po..." pilit akong ngumiti.
BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty
HumorFairytale Series #2: Iya tried to leave the life that she used to have to escape from a tradition that her family follows for generations. In order for her to hide her real identity, she keeps on hiding herself from everyone, avoiding to attract the...