Kabanata 37

292 11 9
                                    

Kabanata 37

Bomb

-Iya-

Hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa sa sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy hindi na totoo ang mga ‘to. Maybe I’m just dreaming? My life is already complicated, I don’t want to add more complications to it. And besides, I don’t even know him. This is not real, Iya. You must be dreaming! Why the hell would the son of the Vice President of the country will show in front of you to ask you to be his husband?

Napag-usapan niyo lang naman siya dahil parte siya ng bet na ginawa ni Jerome!

He’s eyebrows furrowed as he looked at me. Nakakatawa talaga! Baka gigising na rin ako after a while. I can’t believe that this is happening right now. Parang ang laking joke lang nito.

“Why are you laughing?” tanong niya.

“Kasi nakakatawa ka,” sagot ko ng bahagya akong tumigil sa kakatawa. “At ‘yung sinabi mo...”

“Hindi naman ako nagsabi ng joke para matawa ka ng ganyan.” aniya at bahagya pa akong nagulat kasi sa wakas ay nagsalita na rin siya ng tagalog. Pero sabagay, naiintindihan niya nga ako kapag nagta-tagalog ako eh. “I seriously want to become your husband, Iya.” he said in a serious tone and with finality.

“I don’t even know you so why would you dare to tell this to me now?” I said, irritated.

“You probably don’t know me but I know you and I find you very interesting. I like your guts making me think that you’re really made for me. Maybe that’s enough reason for me to say that I want to become your husband. And besides, I think we can get to know each other more after the marriage.” he said giving that irritating grin on his lips again.

Anong pinagsasabi ng lalaking ‘to? Naka-drugs ba siya?

Inirapan ko siya. “Excuse me pero aware ka naman siguro na may boyfriend ako di ba? And if I’m going to marry someone I think it’s him and not you or anybody else. So kung pwede manahimik ka na lang at bumalik sa kung saang lupalop ka nagtatago at huwag ka na lang ulit magpakita sa akin.” sabi ko at akmang tatayo na para umalis ng muli siyang magsalita.

“Si Jerome Montello naman talaga ang gusto mo di ba?” he asked. Natigilan ako sa sinabi niya at muling napatingin sa kanya. He turned to me and I saw that amusement again in his face. “Gotcha.”

“Wala kang pakialam sa kung sino ang gusto ko at sa buhay ko,” malamig na sabi ko sa kanya. Naalala ko na naman ang tungkol sa bet na ‘yun. Hindi ko alam kung bakit ako ang napagdiskitahan nila para sa bet nila at nagagalit ako dahil mas lalo nilang pinagulo ang buhay ko.

“So... you do really like him?” muli niyang tanong. Hindi ko na siya sinagot pero halos patayin ko lang siya sa mga titig ko. “I guess my rival here isn’t your current boyfriend but Jerome huh?”

“Alam mo wala kang karibal dahil wala kang lugar sa buhay ko. Tumigil ka na lang sa kahibangan mo at lubayan niyo na lang ako dahil wala kayong mapapala sa akin. As you see Mr. Hontiveros, I don’t care if you’re the son of the Vice President of this country or what, but the next time I see your face, I’ll not hesitate to punch you.”

Muli siyang ngumisi at pinag-igting ang kanyang panga. “Very interesting...”

I just rolled my eyes and stood up. Hindi na ako nagdalawang-isip na umalis na sa coffee shop na iyon at iwan siya. Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari ‘yun. Napailing na lang ako at tuluyan ng naglakad palayo pero nagulat ako ng may humawak sa balikat ako at marahas akong tinulak pasandal sa pader.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon