Kabanata 6

764 38 12
                                    

Kabanata 6

Fifty Percent

-Iya-

"Meron akong papel dito sa bag ko, Jerome, gusto mo? Galing naman 'to sa buhay ko..." sabi ko sa kanya at akmang kukuha na ng papel sa bag ko.

Tinaasan naman niya ako ng kilay. He looks irritated by what I said. Humalukipkip siya at pinagmasdan lang ako na para bang hindi siya naniniwala sa akin o sa mga sinabi ko. Pero ilang sandali ay napalabi siya at tila nagpipigil ng pag-ngiti.

"I don't really know if you're joking or you're serious..." aniya at kinuha iyong baso na may tubig at sumimsim doon. "Hindi ko alam kung nagbibiro ka ba sa mga banat mo sa akin o ano..." he said amusingly.

"Kapag sinabi kong pinapatawad na kita... iyon ang biro."

"So you're not yet forgiving me?"

"Bakit nandito na ba 'yung pagkain ha?" singhal ko sa kanya. "Kapag nasarapan ako sa pagkain dito, doon palang kita mapapatawad, Mr. Jerome Montello." umismid ako.

"I trust this place, Ms. Lorenzo..." makahulugan siyang ngumiti.

"We'll see." diretso kong sambit sa kanya. "Don't be too confident, I have high standards when it comes to food. Baka umuwi kang luhaan..."

"Okay..." muli na naman siyang ngumiti.

Nang dumating 'yung mga order niya ay biglang kumalam 'yung tiyan ko sa gutom. And the foods that they're serving are tempting! Mukhang masarap nga. Nakakainis basta pagkain masarap talaga...

"Dito kami madalas magpunta ng pamilya kapag kumakain kami sa labas. Last week, we went here may bago silang putahe. Sayang nga hindi namin nakasama si Kuya, busy kasi sa buhay pag-aasawa." aniya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. I thought? Wait, so his brother was married? Kanino? Bata pa 'yung sinasabi nilang binabakuran niya ah?

"Your brother was married?" curious na tanong ko.

"Yup..." tumango siya. "Two months ago..."

Lalong kumunot ang noo ko. "Kanino?"

"Kay Gail, doon sa babaeng binabakuran niya sa school. Aware ka naman doon di ba?"

Bahagya akong napasinghap doon sa sinabi niya. "Wait..." hindi ako makapaniwala.

"Oh, wait..." bahagya siyang humalakhak. "Hindi pala ganun ka-public ang tungkol sa kasal nilang dalawa. I understand if you don't know about it. And besides... mukha ka namang hindi interesado sa kanila."

Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang tungkol doon. And he's right when he said that I'm not really interested about their issues. Mas malaki pa ang problema ko para isipin pa ang sa kanila...

"Actually arrange marriage lang sila... but my brother is madly in love with her." aniya.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang arrange marriage na 'yun. That means I can somehow relate to his brother's wife. Kung kasal na sila, ibig sabihin pumayag siya na magpakasal sa Kuya ni Jerome?

"She agreed?"

"I don't know the real story pero dahil ata sa mga magulang niya... and my brother pursued her to agree." aniya.

Nanikip ang dibdib ko. Kinuha ko 'yung baso ng tubig sa harapan ko at mabilis uminom. I don't know. Pakiramdam ko hindi ako magiging katulad niya... hindi ako mapapayag ni Mommy at lalo na ng fiance ko.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon