Kabanata 3

819 28 4
                                    

Kabanata 3

Attention

-Iya-

Habang nagdi-discuss 'yung prof namin sa Humanities ay napatingin ako sa labas. I am sitting besides the window that's why I can see the open field of the university. May mga naglalaro na naman ng basketball doon.

As far I remember, there's a court in the gym for them to play basketball. Doon nga rin ginaganap 'yung laban ng Wiesel sa ibang university. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nandyan sila ngayon at nang-iistorbo ng mga estudyanteng nakatambay dito.

Napadako ang tingin ko kay Jerome Montello. He looks so serious in what he's doing. Now, the other player passed the ball to him. He started to dribble and when he turned his gaze upward... he suddenly stopped.

His eyes narrowed at my direction. Did he noticed me? Nasa ikalawang palapag ang classroom namin at malawak ito kaya imposibleng makilala niya ako. He passed the ball to the guy next to him then he looked at my direction again. The heck?

Ngumiti siya at kumaway. What the hell?

Napatingin din sa lugar ko 'yung mga kasama niya at kumaway. Kumunot ang noo ko at kaagad na inalis ang tingin sa kanila. Umismid ako at umirap kasabay ng pagharap ko sa prof ko.

Ano bang problema nila?

Nang matapos ang klase ko ay napagpasyahan kong pumunta sa library para doon muna mag-aral. May assignment din ako na kailangang gawin kaya maganda na doon ako magpalipas oras.

"Iya!" may isang lumapit sa akin na kaklase ko.

She smiled at me as she placed her hand on my shoulder. "What is it, Sheena?" I asked.

"Bakit ka sinusundan ni Jerome Montello? Is he courting you? Ikaw na ba ang susunod na Montello?" malawak na sabi niya. Napaismid naman ako sa sinabi niya.

"No." madiing sambit ko at umalis na.

"Pero usap-usapan na kayo sa school, akala nga nila nililigawan ka niya. Grabe, iba ka talaga Iya! Sabi na kahit masungit ka malakas pa ring manghatak ng boys 'yang ganda mo." aniya.

"Tigilan mo nga ako." sinamaan ko siya ng tingin. "And he's not courting me. Hindi ko nga 'yun kilala. Pinepeste niya lang ang buhay ko." I sighed exasperatedly. Nauna na akong naglakad papuntang library. Siguradong mas tahimik doon.

Pagdating ko ng library ay nagulat ako na maraming estudyante dito. Nag-ikot ako para tumingin kung may bakante pero halos puno na lahat ng table. Sa dulo ay may isang table na dalawa lang ang tao. Nung lumapit ako ay doon ko napagtanto na si Jerome pala ang nandoon, he's with a friend...

Siguro hihiram na lang ako ng libro at sa likod ng school na lang tatambay. Since nasa Philippine Literature 'yung book na hinahanap ko doon ako pumunta sa shelf na nasa tapat lang ng table nila Jerome. I browsed the whole shelf to look for that specific book.

Nang mahanap ko na 'yung libro ay lumabas na ako doon para magpunta sa librarian ng harangan ako ng isang lalaki. He smiled at me. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Naghahanap ka ng bakanteng table?" he asked.

"No..." sagot ko at lalagpasan ko na sana siya ng harangin niya ulit ako.

"Dito ka na lang sa table namin. Dalawa lang naman kami..." aniya at iminuwestra niya ang kamay niya doon sa table kung nasaan si Jerome na abala sa laptop niya.

"Hindi, I just looked for a book." mariing sabi ko sa kanya.

Gusto ko siyang bigwasan pero naalala ko na nasa library pala kami.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon