Kabanata 39

663 23 10
                                    

Kabanata 39

End

-Iya-

“He really told you everything?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Jas. “Then he said that he’s really in love with you? That’s something, Iya Sabrina. Sinabi niya ‘yun kung kailang kayo na ni Keith.”

For the nth time, I sighed. Halos ilugmok ko na ang mukha ko sa table dahil nalilito na ako sa gagawin ko. Una, dahil mahal ako ni Jerome at pangalawa si Keith talaga ang boyfriend ko ngayon. Tapos idagdag mo pa ‘yung Heron na ‘yun na bigla na lang sumulpot na parang mushroom para guluhin ang magulo ko ng buhay.

“Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, Jas.” sabi ko at halos sabunutan na ang sarili ko.

Why did suddenly everything become so complicated?

“And Heron? Anong plano mo sa kanya? Mukhang pursigido rin siyang i-pursue ka ah? Ang haba ng hair natin, bes. Pagupit ka na.” halos mapang-asar na sabi ni Jasmine.

“Pwede ba?” I glared at her.

“Joke lang!” aniya at tinignan ako ng seryoso. “You know what? Hindi naman talaga complicated ‘yung sitwasyon mo ngayon. All you need to do is to choose what you think will make you happy but at the same time, you need to face the consequences of your decisions, Iya.” she said.

I looked at her. “So what do you think I should do?”

“Ikaw ang makakasagot niyan, Iya. It’s either you choose Jerome and let go of Keith or stick with Keith and let Jerome go. Kahit ano namang piliin mo sa dalawa, pareho kang may masasaktan.” she shrugged her shoulders.

“Hindi ko na talaga alam!”

“Feeling ko naman, makakapili ka naman talaga eh. You’re just afraid to hurt someone.” aniya. Napatingin ako sa kanya at doon nag-sink in sa akin ‘yung sinabi niya. Why does she sometimes know what’s going on in the depths of my mind? “By the way, I already receive the invitation for your birthday party! Excited na ako!” she laughed.

“I told them that I want a simple party,”

“Okay na ‘yun! Besides, ang tagal mo rin kayang nawala sa spotlight, Iya Sabrina! And now that you’re back of course they’ll make everything grand!” masayang sabi niya sa akin. “So who’s your date? Si Keith or si Jerome?” she teasingly asked.

“My mother will surely not invite Jerome in that party.” malungkot na sabi ko.

Even if I choose Jerome, will my family accept him? Pakiramdam ko hanggang ngayon ay galit pa rin si Mommy kay Tita Janelle. I doubt if the silent feud between our families will end. Hindi ko na talaga alam kung ano na ang mangyayari ngayon.

“Dahil pa rin ba sa issue na ‘yun? Pero if you really love Jerome, your mother should accept him.”

“Nakalimutan mo na ba? We have our family tradition about marriage, right? In the end, I’m sure they still want me to marry Keith since he’s already my fiancé.” napa-buntong hininga ako. Habang mas iniisip ko ang mga nangyayari sa buhay ko, ang komplikado talaga eh.

Pagkatapos naming mag-usap ni Jas ay bumalik na kami sa Wiesel University para makapag-enroll na for next semester. After kong mag-enroll ay sinamahan ko si Jas na pumunta sa kunin ‘yung schedule niya. Sina Sheena at Jethro kasi ay hindi pa rin tapos mag-enroll hanggang ngayon kaya baka mamayang dinner na lang kami magkita-kita.

“I’m so excited, Iya! Namiss kitang maging classmate ah! Tsaka mas feel ko ‘yung university life dito hindi tulad ng sa MD University.” aniya at hanggang ngayon, amaze na amaze pa rin siya sa Wiesel kahit na ilang beses na rin siyang nagpupunta dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon