Kabanata 32

355 16 4
                                    

Note: Hi guys! Sorry for the super duper late update. :(

***
Kabanata 32

Secretly

-Iya-

Apparently, mabilis lumipas ang mga araw. I’m quite amazed on myself on how I was able to manage those toxic days where I need to study for our quizzes and long exams, to practice for the fair and to deal with my ‘pabebe’ partner, Jerome. Hindi ko alam kung may matino bang nangyari sa mga practice namin.

Whatever. Come what may. Psh.

Though, I admit, I enjoyed being with him during those days. After all, he’s the man that I truly love. So every single moment that I’m with him. I feel happy and contented at least…

Kahit na marami akong gustong itanong at sabihin sa kanya. I guessed hanggang dito na lang talaga.

“Kinakabahan ka ba?” tanong sa akin ni Jethro. Tumabi siya sa amin ni Jas habang ginagala ang mata sa paligid kung nasaan abala din sa pag-aayos ang iba pang magpe-perform sa gabing ito.

Jas presented herself to become my personal stylist and make-up artist for this night. Kaya in the end, pumayag na ako kahit hindi ko naman na kailangan since I can do it on my own. Plus, I appreciate her effort to make time for me even though she’s also busy for her upcoming exams.

“Not really…” sagot ko at sinulyapan siya sa salamin. Well, I’m nervous, actually. Hindi ko lang maintindihan kung para saan nga ba ang kabang nararamdaman ko.

Jethro shrugged his shoulders. “Sabagay, alam ko naman na kaya mo ‘yan.” he said.

“Naku, si Iya pa ba? Her mere presence shouts confidence na kaya.” Jas interfered. Inaayos na lang niya ang malalaking curls na ginawa niya sa buhok ko.

“I agree,” tumango at sumang-ayon naman sa kanya si Jethro. “I know that she can do it. I watched some of her practices, ang galing niya nga talaga. O baka naman may pinanghuhugutan lang talaga siya sa mga kanta niya?” he teased. Nagawa niya pang tumawa.

I glared at him but he just gave me his sweet innocent smile. Tama bang sabihin ‘yan dito, lalo na’t two tables away lang sa amin ’yung grupo nila Jerome at marami pang ibang tao dito? I mean, I’m not assuming na he’ll think that all the songs that I’ll sing tonight mean something… it’s just that I don’t want people to make fuss about my performance. Tama na ‘yung attention na nakukuha ko bilang Iya Sabrina Mondragon, ayoko naman na madagdagan ‘yun ng drama ng love life ni Iya.

Oo, may hugot talaga ako sa mga kantang kinuha ko. But I don’t want them to know about it. Okay lang sa akin na marinig nila ang tunay kong nararamdaman pero hanggang doon na lang yun.

“Wala,” simpleng sagot ko.

Napasulyap ako sa lugar nila Jerome at bahagya akong natigilan ng makitang nakatingin din pala sa lugar namin si Jerome habang abala ang mga kaibigan niya sa pag-uusap. He smiled at me kaya bigla na namang dumoble ang kaba na nararamdaman ko. Tumango na lang ako at mabilis na inalis ang tingin sa kanya.

Huminga ako ng malalim at mariing pumikit.

One hour before the program started, Sheena with other campus paper authors entered the room. She went to me immediately to hug me. Sumunod naman yung mga kasama niya na pumunta sa lugar namin.

“You’re so pretty, Iya!” masiglang sabi Sheena nung humiwalay siya sa akin.

I smiled at her. “Thank you,”

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon